^

PSN Showbiz

Aktres na dating nasa bed of roses, nililimas na ang ari-arian para sa bisyo

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Nag-iisang bida sa isang umpukan ng mga taga-showbiz nu’ng minsan ang isang kontrobersiyal na female personality na nabigyan ng pagkakataong umangat ang career pero dahil sa pagpapabaya at kaangasan ay biglang sumemplang nang pagkalakas-lakas.

Ang dami-daming nanghihinayang sa kuwento ng kanyang buhay, kung natuto lang sana siyang mag-alaga ng kung anumang meron siya nu’n, baka isa siya sa pinakamayamang artista ngayon.

Katawan ang naging puhunan niya sa pagsikat, katawang hindi rin niya inalagaan, kaya ngayon ay mistula na siyang aparador sa kalaparan at ang gandang puhunan niya rin ay unti-unti nang naglalaho dahil sa kanyang pagbibisyo.

“Karma na ang nangyayari sa kanya ngayon dahil maraming taong tumulong at nagmalasakit sa kanya ang binaligtad pa niya nu’ng bandang huli. Idagdag na rin natin ang sobra niyang kayabangan, ang kaangasan niya, ‘yun ang isa pang humila sa kanya pababa.

“Ang akala kasi niya nu’n, e, wala nang katapusan ang magandang career niya, ang akala niya siguro nu’n, e, kanyang-kanya na ang mundo,” kuwento ng isang nakakakilala sa aktres.

Minsang magpunta siya sa isang lugar na markado sa kanyang buhay ay may dala-dala siyang baterya ng sasakyan. Bagong-bago pa, hindi pa nagagamit, ibinenta niya ‘yun sa isang kakilalang nakausap na niya sa telepono bago pa siya dumating.

Pinagpistahan siya ng mga miron, du’n kasi siya lumaki, nu’ng sumikat siya ay hindi niya naalalang kumustahin ang kanyang mga kalugar.

“Nakakalungkot dahil ngayong bali na ang pakpak niya at sadsad na ang buhay niya, e, saka lang niya naalalang bumalik sa lugar na kinalakihan niya. Kung anu-ano ang ibinebenta niya ru’n, lahat na yata ng kagamitan niya, e, ibina-bargain na niya.

“Mabisyo kasi siya, bagsak na nga siya ngayon, pero bisyo pa rin ang inaatupag niya. Wala siyang kadala-dala, kaya pati mga anak niya, iniwan na siya,” napapailing na kuwento ng isa pang nasa umpukan.

At ang mas matindi pang sultada ng imahinasyon ng isang nasa grupo, “Isang araw, makikita na lang natin sa kalye ang babaeng ‘yan dahil wala nang may gustong kumupkop sa kanya. Wala na siyang tirahan, wala na siyang maipangbisyo, namamalimos na lang siya.”

Dati na siyang nakahiga sa bed of roses pero hindi niya pinahalagahan ang mga biyayang napasakamay niya.

Ubos!

Bagong atake nina Edu, Gelli, at Tintin sa mga problema ng mga artista mas mabenta

Tama lang na paminsan-minsan ay sinisingitan ng Face The People ng mga kuwentong-showbiz ang kanilang atake. Magiging kaumay-umay naman kung puro kuwento ng mga kababayan nating nagbabangayan ang mapapanood, iba pa rin ang panghila ng mga artista, hindi bumibitiw ang publiko sa tsismis.

Inuna nila ang kontrobersiyal na relasyon ng mag-amang Freddie at Maegan Aguilar. Nagkaroon ng magandang resulta ang pagtalakay sa kanilang buhay dahil kailan lang ay humingi na ng tawad ang anak sa kanyang ama.

Ang sumunod namang kuwentong-artista ay ang kina Claudine Barretto at Raymart Santiago, ang abogado ng aktres ang naupo bilang panauhin, nagdenay si Attorney Ferdie Topacio tungkol sa kumakalat na balita na meron silang kakaibang relasyon ni Claudine.

Sana’y makuha rin nilang panauhin si Marjorie Barretto, magiging interesante kung magkakaharap sila ni Dennis Padilla, siguradong hindi papayagang mag-guest ng Star Magic si Julia pero ang VTR interview ay makasasapat na para linawin ang isyu ng pagpapatanggal nito ng apelyido ni Dennis sa kanyang pangalan.

Ang Kunsensiya Ng Bayan ng Face The People ay binubuo ng isang doktor, isang abogado, at isang pari. Intelihente ang pagbibitiw nila ng mga payo, nakatutulong din ang mensaheng ibinibigay nina Edu Manzano, Gelli de Belen, at Cristine Bersola-Babao, kaya nagkakaroon ng positibong resolusyon ang mga kaso at problemang idinudulog sa kanilang show.

vuukle comment

CLAUDINE BARRETTO

CRISTINE BERSOLA-BABAO

DENNIS PADILLA

FACE THE PEOPLE

ISANG

NIYA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with