Luis pinag-iisipang mabuti ang pagpasok sa pulitika
SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - June 24, 2014 - 12:00am

Mukhang nalalapit na talaga ang pag-iisang dibdib ng magkasintahang sina Angel Locsin at Luis Manzano. Napag-uusapan na raw ito nina Angel at Luis mula nang magkabalikan sila noong Pebrero.

“We were having our first date night in Makati, we were eating and we were talking about the future. In a few years, ito ang gusto natin, bahay, saan tayo titira. So after, we were back to eating. Tapos sabi niya, ‘Alam mo ba no’ng first chapter ng relationship natin, we never talk about these things.’ So sabi ko, ‘Okay, the mere fact that we’re talking about these things, means we are here to stay,” kwento ni Luis.

“In terms of us tying the knot and settling down, it’s still a long journey pero definitely I’m holding her hand every step of the way,” dagdag ng aktor.

Nakatakdang magbida si Angel sa teleseryeng Darna na ipalalabas sa susunod na taon kaya hindi pa rin daw makapagpaplanong magkaanak kung sakaling matuloy na ang kasal. “Siguro pwede naman ‘to i-delay. Sabi rin kasi namin, once we get married, we still want to explore what the world has to offer. Gusto namin na once everything settles down, to travel, to relax,” nakangiting pahayag ni Luis.

Samantala, pinag-iisipan daw mabuti ng binata kung papasukin din ang mundo ng pulitika katulad ng kanyang inang si Governor Vilma Santos-Recto at asawa nitong si Senator Ralph Recto. “They weren’t telling me not to run and they weren’t telling me to run. It’s more of ‘What do you want? Where are you at this point in time?’ Sabi ko in two months I’ll decide. I’ll be praying on it. I’ll be thinking on it,” pagtatapat ng aktor.

Sarah kasundong-kasundo na ang pamilya ni Matteo

Masayang-masaya si Sarah Geronimo nga­yon sa kanyang buhay pag-ibig. Kamakailan ay umamin ang dalaga na kasintahan na niya si Matteo Guidicelli. “Siyempre thankful naman tayo sa Diyos dahil everything that’s happening, kumbaga na-bless ako ng ganitong klaseng relationship, ganitong klaseng karelasyon kasi mabait na tao naman si Matteo at talagang matiyaga,” pahayag ni Sarah.

Kasundong-kasundo na rin daw ng dalaga ang pamilya ni Matteo mula nang maipakilala ng aktor si Sarah sa mga ito. “Okay naman po, okay naman po lahat. Napakabait ng pamilya ni Matteo,” makahulugang pahayag ng Pop Princess. Kasalukuyang nasa Amerika ngayon si Matteo para sa event ng TFC (The Filipino Channel). Bago umalis ang aktor ay nakapagbigay din ito ng pahayag tungkol sa kanilang ugnayan ni Sarah. “Let’s face it. I’m 24, she’s 25. We are young adults so she can make her own decisions and I can make my own decisions also. She deserves it. She deserves all the happiness,” seryosong pahayag ni Matteo. Reports from JAMES C. CANTOS

ANGEL LOCSIN FILIPINO CHANNEL GOVERNOR VILMA SANTOS-RECTO LUIS LUIS MANZANO MATTEO MATTEO GUIDICELLI POP PRINCESS SABI
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with