^

PSN Showbiz

Parang kinagat daw ng bubuyog Maricel namaga ang labi matapos makipaglaplapan kay Dingdong

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Natawa kami sa kuwento ni Maricel Soriano na para siyang kinagat ng bubuyog after halikan ni Ding­dong Dantes sa isang eksena sa Ang Dalawang Mrs. Real. Namaga ang labi ng Diamond Star, hindi dahil sobrang madiin ang paghalik ng aktor, kundi dahil sa bigote nito.

Nag-sorry si Dingdong kay Maricel nang malamang namaga ang labi nito dahil sa bigote niya at dahil na rin sa sobrang diin sa paghalik ng aktor.

Nakakatuwa ang sagot ni Maricel kundi ba siya kinikilig kay Dingdong? Ang sagot nito “Paano ako kikiligin sa kanya, mas maganda pa siya sa akin sa gabi.”

Ginulat kami ni Maricel dahil kahit nakunan na ang mga eksena, memoryado pa rin ang dialogue nila ni Dingdong sa ang unang pagkikita nila ni Lovi at kung ano ang kanyang ginagawa.

Gabby sobrang saya sa billboard

Gaya ni Chynna Ortaleza, tuwang-tuwa si Gabby Eigenmann nang makitang nakataas na ang billboard ng Dading. Sabi nito, gagayahin niya si Chynna na kinunan ang billboard, ipo-post sa Instagram (IG) para may remembrance siya.

Ngayon lang nalaman ni Gabby ang pagkakaiba ng lead role at title role. Nagle-lead na siya, pero ngayon lang may title role, kaya mas na-motivate na galingan pa ang portrayal sa role ni Carding. Nangako rin itong hindi madi-disappoint ang mga nagtiwala at naniniwala sa kanya.

Binanggit ni Gabby na tinawagan siya nina Dennis Trillo, Luis Alandy, at Paolo Contis para i-congratulate sa Dading. “Very sincere ang pagko-congratulate nila, happy sila for me, doon mo makikita ang real friends,” ani Gabby.

This Monday na ang airing ng Dading after The Half Sisters sa direction ni Ricky Davao. Bukod kay Gabby, bading din ang role ni Gardo Versoza.

Hala!

Baby Zion isinasabong ng fans sa ibang baby celebs

Nagsasagutan ang fans na maka-Team Kramer (Dough, Cheska and their three kids) at Team Sarah-Chard (Richard Gutierrez, Sarah Lahbati, and Baby Zion) sa Instagram (IG).

  Nakakatuwa dahil pinag-aawayan nila kung sino ang mas cute sa Kramer kids at kay Baby Zion gayung hindi naman sila relatives ng two families. May nag-akusa pa kina Richard at Sarah na ginaya ang Team Kramer sa pagpu-post ng pictures ni Baby Zion. Gusto lang daw nilang pasikatin ang kanilang anak kaya laging may new pictures sa IG.

  Ang iba, umabot na sa pagba-bash sa two couples na hindi nila gusto at may sinabi pang out na ang isang team at mas in na ang isang team. ‘Kaloka!

Lovi at Solenn nagpapatalbugan

Ang relasyon kaya kay Lovi Poe ang sinabi ni Jake Cuenca na last relationship niyang napaka-depressing for him? Ang alam namin, ang aktres ang huling nakarelasyon ng aktor bago maging sila ni Chanel Olive Thomas.

Hindi na nag-elaborate si Jake at ayaw na ring mag-comment ni Lovi nang tanungin namin nang makausap sa taping ng Ang Dalawang Mrs. Real. Pinipigilan kaya siya ni Rocco Nacino na mag-comment pa about Jake?

Anyway, simula this Monday, ipalalabas na ang version ni Lovi ng pinag-uusapan nilang TVC ni Solenn Heussaff ng McDonald’s McSpicy Shake Shake. Nauna itong pinost sa YouTube at marami ang nagkagusto. Paseksihan ang dalawang aktres sa kanilang red sexy dress.

 

vuukle comment

BABY ZION

CHANEL OLIVE THOMAS

CHYNNA ORTALEZA

DENNIS TRILLO

DIAMOND STAR

LOVI

MARICEL

MRS. REAL

TEAM KRAMER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with