Mommy Inday: Claudine 'alive and kicking'
Rosalinda L. Orosa (Pilipino Star Ngayon) - May 28, 2014 - 5:51pm

MANILA, Philippines - Itinanggi ni Inday Barretto nitong Miyerkules na namatay dahil sa overdose ang kanyang anak na si Claudine.

Sa text message na ipinadala ni Mommy Inday, sinabi niyang buhay na buhay ang kanyang anak.

May mga ulat na naglabasan nitong Martes ng gabi na namatay si Claudine dahil sa overdose sa drugs.

Sa kanyang pahayag, sinabi ni Mommy Inday na "sisipain" ng kanyang anak ang mga taong walang tigil sa pagsipa sa kanya at pagpapabagsak sa kanya.

Idinagdag pa ng matandang Barretto na ang mga taong nagkalat ng maling balita ay mga "ipis isip."

Ang kumpletong pahayag ni Mommy Inday:

“For your kind info that dates back to days when people are kind because there is something to be used from one who is useful and kind, Mariole tthere is news circulating that “Claudie had OVERDOSED and DIED” Wish lang NG some EVIL people! Not True- Claudine is very much Alive & Kicking and about to kick those who do not stop kicking and putting Down one who is already Down thanks to IPIS Isip people! Pls help inform other Thank you from God and yours truly !”

Samantala, hiningi na ng kampo ni Claudine ang tulong ng Philippine National Police upang alamin kung sino ang nagpakalat ng maling balita sa pamamagitan ng isang text message.

BARRETTO CLAUDIE CLAUDINE IDINAGDAG INDAY BARRETTO ISIP ITINANGGI MOMMY INDAY NOT TRUE PHILIPPINE NATIONAL POLICE
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with