Miriam Quiambao kasal na!

SEEN: Gumagamit ng saklay at nakabenda ang left leg ni Senator J­inggoy Estrada dahil sa injury na resulta ng paglalaro niya ng basketball.

SCENE: Matagal nang walang kontrata sa ABS-CBN si James Reid at contract star na siya ng Viva Artists Agency. Dapat kunin si James ng GMA 7 para madagdagan ang promising leading men ng Kapuso Network.

SEEN: Ikinasal kahapon sa pangalawang pagkakataon ang ex-beauty queen na si Mi­riam Quiambao.

Ginanap sa Tagay­tay City ang Christian w­edding nina Miriam at Ardy Roberto. Widower ang second husband ni Miriam.

SCENE: Ipalalabas sa April 2 ang te­levision commercial ng bagong product endorsement ni Marian Rivera.

SCENE: Ipinagmamalaki ni Yasmien Kurdi na writer na siya dahil lumabas sa April issue ng isang magazine for mothers ang artikulo na isinulat niya.

SEEN: Dapat kontrolin ni Mark Herras ang kanyang “kunot noo acting” sa Rhodora X upang hindi ma-distract ang televiewers.

SCENE: Misinformed ang mga bumati kay Lorna Tolentino ng happy birthday dahil sa December pa ang kaarawan niya.

Reposted lang ng anak ni Lorna ang kanyang old birthday celebration photo.

Show comments