Manoy ni Vhong bugbog na bugbog!

Sino pa ba ang kukuha ng video ng manoy ni Vhong Navarro kundi ang mga taong binugbog na siya ay gusto pa rin siyang hiyain. Ngayon lang siguro nila mari-realize na sa ginawa nila ay lalo lamang nilang pinalulubog ang mga sarili nila.

Ngayong nakalabas na ng ospital si Vhong at mukhang mas kalmado na at hindi na 100% na takot para sa kanyang sarili at mga mahal niya sa buhay, mapapalaban na sila nang husto rito sa korte.

Serye ni Bea may problema

Hinahabol pala ng isang director ang titulo ng bagong serye ni Bea Alonzo na Sana Bukas Pa Ang Kahapon. Kaya ba ito hindi masimulan? Well, kung may katwiran ang direktor at kanya talaga ang titulo eh baka gusto niyang ipagbili na lamang sa ABS-CBN. Kung ayaw naman niya eh ang dami naman maiisip na titulo. It’s as if wala nang iba pang mapagpipilian pa ang network.

Pero parang matigas ang network, sa kanila raw ‘yun dahil iba naman ang kuwento sa original na Sana Bukas Pa ang Kahapon.

Show comments