^

PSN Showbiz

Jessica tinuhog ang National anthem ng US at ’Pinas, gumanda na rin!

SVA - Pilipino Star Ngayon

David Beckham personal na kinongratyuleyt si Pacman

MANILA, Philippines - Parang mas gumanda si Jessica Sanchez nang kumanta siya kahapon sa laban nina Rep. Manny Pacquiao and Brandon Rios sa Macau na napanalunan ng una. Or, siguro naiba ang color ng hair niya na binagayan siya.

Tinuhog ni Jessica ang pagkanta ng Philippine at US national anthems sa Cotai Arena Macau — Lupang Hinirang and The Star-Spangled Banner na a capella na majority sa mga nanood ay mga Pinoy.

In fairness sa American Idol singer, walang nag­rereklamo sa pagkakakanta ni Jessica. Hindi katulad noon na maraming sinasabi.

Isa si Jessica sa maraming Fil-Ams na aktibo sa pagtulong sa mga winasak ng bagyong Yolanda.

Samantala, ang daming celebrities na dumagsa sa Macau para sa nasabing fight kasama na si David Beckham na personal pa raw kinongratyuleyt ang Pambansang Kamao sa pagkapanalo nito.

Edu at Alice nabuking na may nakaraan?!

Nakakaaliw ang naging muling paghaharap nina Edu Manzano at Alice Dixson sa What’s Up, Doods sa TV5.

Kuwento ng dalawa, matagal na ang huling interview na ginawa nila sa telebisyon, nung panahon pang nagsisimula si Alice bilang commercial model ng isang shampoo brand at si Edu naman ay unti-unti pa lamang sumisikat bilang isa sa magagaling na hosts ng bansa.

Siyempre binalikan nina Edu at Alice ang panahong nagkasama rin sila sa pelikula. Tuwing galit daw si Doods, “Alicia” ang tawag niya sa kapareha.

Nagbiro pa si Edu na ramdam niyang gusto siya ni Alice noon dahil sa pag-amin nga ng dating beauty queen-actress na licensed realtor cum urban economist din na madalas niyang bisitahin ang talk show host noon sa set ng pelikula o TV show nito.

Obserbasyon ni Edu, kakaiba na ang confidence ni Alice ngayon lalo pa nga at napaka-daring na nito sa mga character na ginagawa niya sa screen. Gaya na lamang ng current series niyang For Love or Money — inalok niya ng P10M si Derek Ramsay kapalit ng 10 days na pakikisama sa kanya!

Nariyan din ang bagong pelikula ng aktres, ang When the Love is Gone ng Viva Films kung saan suffering wife siya ni Gabby Concepcion at nakikipag-agawan ng atensiyon sa batambatang si Cristine Reyes.

Say ni Alice, mas may lakas na siya ng loob ngayon na magsuot ng two-piece swimsuit at makipaglaplapan sa leading man hindi tulad nung kabataan niya na mahiyain at napapagalitan siya ng director at producer dahil ayaw gawin ang mga eksenang ganun.

 â€œIt’s liberating,” sabi pa ni Alice, na sa description ni Edu ay walang sign ng kahit na anong surgical procedure ang aktres. Ibang mag-alaga ng sarili si Alice.

Sa Nov. 27 ang opening ng When the Love is Gone at may premiere night ito sa Glorietta sa Makati City at sa Megamall sa Mandaluyong City sa Nov. 26. Proud din si Alice na magkakaroon ito ng American screening sa Los Angeles, Virginia, Hawaii, San Francisco, Arizona, Nevada, at Washington simula sa Dec. 8.

Bago nagtapos, nangako si Alice na babalik sa What’s Up, Doods? para i-announce kung handa na ba siyang mag-pose sa glossy men’s mag na FHM.

vuukle comment

ALICE

ALICE DIXSON

AMERICAN IDOL

COTAI ARENA MACAU

DAVID BECKHAM

DOODS

EDU

JESSICA

WHEN THE LOVE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with