Jennylyn sa text lang inisplitan ni Luis, Mark Herras kinikilig na single na uli ang ex
PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio (Pilipino Star Ngayon) - October 23, 2013 - 12:00am

PIK: Kaabang-abang ngayong araw ang mga tagpo sa Akin Pa Rin ang Bukas dahil nakunan dito si Lovelia (Lovi Poe) at napilitan si Jerry (Rocco Nacino) na humingi ng tulong sa ama ni Lovelia na si Roel Villacorta (Gary Estrada).

Kaya lalong naging sweet sina Rocco at Lovi dahil sa mga madramang eksenang ginagawa nila sa naturang drama series.

PAK: Totoo kayang sa text message lang nakipag-break si Luis Manzano kay Jennylyn Mercado?

Kaya sobrang nasaktan ang aktres dahil sa text lang ipinarating ni Luis na gusto na niyang tapusin ang kanilang relasyon.                       

Wala pa ring ibang lumulutang na dahilan kundi ang pagkakasangkot pa rin ni Dennis Trillo, na itinatanggi naman ni Jennylyn.           

Kung sobrang apektado si Jennylyn sa naturang breakup, ganun din daw si Luis kaya ayaw din daw muna nitong magsalita.

BOOM: Magsisimula pa lang sina Jennylyn at Mark Herras ng drama series na gagawin nila sa GMA 7, kinakantiyawan na ang aktor na posible silang magkabalikan ng aktres dahil pareho na silang single.

Napapangiti lang daw si Mark na parang kinikilig din. Pero may narinig kaming may ibang pinopormahan ang dancer-actor.

Totoo bang nagsisimula na raw itong manligaw kay Andrea Torres na madalas niyang nakakasama sa Sunday All Stars?

AKIN PA RIN ANDREA TORRES DENNIS TRILLO GARY ESTRADA JENNYLYN JENNYLYN MERCADO KAYA LOVELIA LOVI POE
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with