Regine nakakahinga na ng maluwag, tatay na may sakit nakaka-recover na

PIK: Maganda ang feedback sa pilot episode ng Genesis na nagsimula na sa GMA Telebabad kamakalawa ng gabi.

Ngayon pa lang ay nagsalita na si Manay Lolit Solis na mukhang mahu-hook na siya sa  Genesis dahil sa simula pa lang ay nakikita na raw niyang maganda ang takbo ng kuwento.

Sobrang laki ng drama series na ito na kitang-kitang ginastusan nang husto at parang isang ma­laking pelikula ang katumbas ng pilot episode pa lang, para lang sa GMA Primetime King Dingdong Dantes.

PAK: Marami sa showbiz ang nagimbal at nalungkot sa nangyaring lindol sa Kabisayaan.

Ang Cebu at Bohol ang ilan sa mga paboritong bakasyunan ng mga kilalang celebrities kaya nakikita mo sa kanilang Instagram account kung paano sila nalungkot sa pagkasira ng mga paboritong lugar na madalas na pinupuntahan ng mga bakasyunista sa Bohol at Cebu.           

Si Cesar Montano na lehitimong Boholano ay nalungkot sa malaking pinsalang inabot ng mga lugar na nagamit niya noon sa mga pelikulang nagawa niya.

BOOM: Dalawang taong kontrata ang pinirmahan ni Regine Velasquez sa GMA 7 kahapon at ngayon ay puwede na raw gumawa si Regine ng drama series dahil malaki na rin naman ang anak niyang si Nate.

Sa contract-signing ay sinagot na rin naman ni Regine ang tunay na kalagayan ni Mang Gerry kahit nalulungkot siyang pag-usapan ito.

Nakatakda siyang umalis patungong Amerika para sa Silver concert tour at dalawang linggo siyang mawawala.

Pero aalis daw siyang magaan ang pakiramdam dahil okay na okay na raw ngayon ang kalagayan ng kanyang ama na nasa hospital pa rin.

“My Papa is actually doing really well. Recovered na siya. It took as awhile, at ayaw na rin namin madaliin.

“He’s recovering well, okay na siya ngayon. Sana tuluy-tuloy na ang paggaling niya,” saad nito.

Kasama ni Regine ang anak niyang si Baby Nate sa Amerika, at maiiwan daw si Ogie Alcasid dito.

Show comments