24-year-old accountant susubukang sungkitin ang P2M

MANILA, Philippines - Isang 24-year old accountant ang uupo this week sa hotseat ng paboritong game show ng bayan, ang Who Wants to be a Millionaire? 

Si Eduardo Geailo Pajinag ay may walong beses ng sinubukang mag-audition sa game show para makaharap si Bossing Vic Sotto. Matagal na niyang hilig ang manood ng mga trivia game shows at makailang beses na ngang nakakapasok sa Top 10 contestants na nag-audition para sa show. “Try and Try again until you succeed,” ang mga katagang isinapuso ni Eduardo para mabigyan ng pagkakataon na maka-upo sa hotseat.

Ang High Risk Money Tree ang pipiliin ni Eduardo kung saan P20,000 lang ang safe haven pero may apat na lifeline na puwedeng gamitin. Balitang aabot siya sa tuktok ng P600,000 pesos question ngunit masasagot niya kaya ang tanong para makarating sa 1 million question?

Panoorin at himayin ang bawat tanong na ibibigay sa kanya ni Bos­sing. Sa Linggo na kaya ang maswerteng araw ni Eduardo? Panoorin ang Who Wants to be a Millionaire? ngayong Linggo, 7pm sa TV5.

 

Show comments