Bonggang finale hahataw sa Talentadong Pinoy Worldwide

MANILA, Philippines - Siguradong kapana-panabik ang magiging finale ng Ta­lentadong Pinoy Worldwide sa darating na Linggo, August 18, sa Cuneta Astrodome. Dadaluhan ng mga naglalakihang artista ang Battle Royale ng sikat na ta­lent competition sa Linggo, 7 p.m. sa TV5.

Bukod sa mga pasiklaban ng pitong talentadong nag­la­laban para sa Ultimate Talentado title ay  isa rin sa mga aabangan ay ang ipinangakong dance number ni Talentadong Pinoy host Ryan Agoncillo kasama ang grupong The Manuevers. Sa unang pagkakataon ay magsasama-sama ang biggest stars ng Kapatid Network na sina Aga Muhlach, Derek Ramsay at Megastar Sharon Cuneta bilang cele­brity talent scouts. Makakasama rin nila sina Edu Manzano, Joey De Leon, John Lapus, Direk Joey Reyes at si Ms. Judy Ann Santos.

Handang-handa na sina Sor Apao, Laserman, ang grupong Larvae, Rina Forbes, Haina Udin, Spyro Marco at ang Nocturnal Dance Company na ibigay ang lahat ng kanilang gilas at galing para sa inaasam na 4th Ultimate Talentado title. Ang mananalo ay magiging instant mil­yonaryo at meron pang house and lot!

 

Show comments