^

PSN Showbiz

Hearing ng kaso nina Raymart at Claudine itinatago na sa media

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Matindi ang paghahanda ni Aljur Abrenica sa Sunday All Stars (SAS) dahil siya ang magbubukas ngayong Linggo bilang best performer nung nakaraang Linggo.

Pero pinaghandaan din ng husto ni Mark Herras ng Tropang Trending ang pagbabalik niya sa SAS pagkatapos niyang magpahinga ng ilang linggo.

British pop ang theme ng Ligang iLike team ni Aljur at mala-Bollywood ang dramang Tropang Trending ni Rochelle Pangilinan, American Top 40s naman ang sa Instagang ni Glaiza de Castro at KPop naman sa Tweethearts ni Julie Ann San Jose.

PAK: Hanggang ngayon ay mahal na mahal pa rin pala ni actor R si aktres S na nakarelasyon niya ng halos isang taon na.           

Nakipagkalas si aktor kay aktres dahil mas pinili nito ang kanyang career. Pero napagtanto nito na mahal pa rin niya si aktres kaya madalas niya itong pinupuntahan sa bahay niya. Kaya lang hindi na siya hinaharap ni aktres.

Ang malaking bagay na nagawa ni aktres kay aktor ay naimpluwensiya niya itong maging relihiyoso. Kaya good influence sana si aktres S kay aktor R. Kaya lang nasulsulan si aktor na hindi raw makakatulong sa kanyang career si aktres kaya nakipag-break siya. Pero ngayon ay nagsisisi siya. Lalong gumaganda naman ang career ni aktres.

BOOM: Nakapag-hearing na pala sa Temporary Protection Order (TPO) si Claudine Barretto laban kay Raymart Santiago sa Marikina Regional Trial Court. Itinago na lang nila sa media dahil nagagalit ang judge kapag may nakikita itong media na nagku-cover.

Kaya natapos na ang hearing na abogado lang ni Raymart ang sumipot at hinihintay na lang nila ang desisyon ng korte kung ibibigay nito ang hiling ni Claudine na TPO.

AKTRES

ALJUR ABRENICA

AMERICAN TOP

CLAUDINE BARRETTO

JULIE ANN SAN JOSE

KAYA

LINGGO

PERO

TROPANG TRENDING

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with