_ngayon
^

Singer-actor na hindi nabibigyan ng solo spot, biglang naglaho sa isang show

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pilipino Star Ngayon) - July 28, 2013 - 12:00am

Nasagot ang pagtataka namin kung bakit hindi kasali ang singer-actor sa bagong show ng kanyang network. Akala namin, sa launching ng show lang wala ang singer-actor dahil may sakit at lalabas din sa mga susunod na episode.

Pero nakakailang episodes na ang show, hindi pa rin nagpapakita si singer-actor as in, nami-miss na siya ng kanyang fans dahil wala siyang ibang show na nilalabasan. Mabuti na lang at may TVC pa siya kaya napapanood pa minsan.

Anyway, ang nadinig naming rason kung bakit wala sa show ang singer-actor dahil hindi pinayagan ng kanyang manager na makasama sa show dahil hindi raw mabibigyan ng spot number. Kaya sorry na lang sa kanyang fans dahil hangga’t hindi nababago ang concept ng show, hindi sasali si singer-actor!

Dennis at Tom binabantayan ang mga kakainin

Ayaw pang sabihin ni Popoy Caritativo kung para saan ang pagda-diet ng alaga niyang sina Dennis Trillo at Tom Rodriguez gamit ang Sexy Chef Diet. Kaso binuking ni Rachel Alejandro sa Facebook na ang pagda-diet ng TomDen ay paghahanda sa isang important show at photo shoot.

Dagdag pa ni Rachel, kailangang maging lean sina Dennis at Tom, kaya nirekomenda nila ang Sexy Chef Pounds Away Controlled Diet. Pero bitin ang spoiler ni Rachel dahil hindi sinabi kung anong important show at pictorial ang gagawin ng TomDen.

Sa presscon ng Yes! 100 Most Beautiful Stars, late sina Dennis at Tom dahil galing sa pictorial at hindi na nakapag-deny ang talent manager dahil binuking na nga ni Rachel. Galing daw sa pictorial ng Cosmo ang dalawa at rarampa ang mga bida ng My Husband’s Lover sa Cosmo Bash sa September.

Also, sa interview kina Dennis at Tom, binanggit nila na kasama sa ire-release na DVD ng My Husband’s Lover ang ilang deleted scene na kanilang ginawa. Kabilang dito nang magtabi sila sa bed na sabi ni Tom, mahirap gawin, kaya nanghinayang siya na hindi pinayagan ng MTRCB na ipalabas.

Mara Lopez makikipag-lovescene sa kapwa babae

Isa sa pinaka-daring na aktres ngayon pagdating sa pagtanggap ng roles si Mara Lopez at ginagawa niya ito para raw mapansin ang pagiging aktres niya na nangyayari nga. Ang managers niyang sina Ferdie Lapuz at ang inang si Maria Isabel Lopez at siya ang pumipili ng offers and so far, hindi siya nagmimintis.

Ginulat kami ni Mara sa Palitan sa lovescenes nila ni Alex Medina na gumanap na kanyang asawa at Mon Confiado bilang kalaguyo niya. Nag-paid off ang pagpapaka-daring nito dahil naging best actress siya sa Cinema One.

Ngayon ay muling magpapakita ng husay si Mara sa Cinemalaya entry na Debosyon kapareha si Paulo Avelino. Sa sinabi ng director nitong si Alvin Yapan na mas maganda ang Debosyon sa Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa na siya rin ang director, lalo kaming nagka-interes na panoorin ito.

First Cinemalaya movie ni Mara ang Debosyon at excited siya kung paano siya tatanggapin ng Cinemalaya audience at kung paano tatanggapin ang pelikula na “religious film” ang description ni direk Alvin.

Interesting din ang next movie ni Mara na Kabaro dahil isa siyang butch lesbo at may love scene sa lalake at sa kapwa babae. Pambawi niya ang Ang Kuwento ni Mabuti kasama si Nora Aunor at ang docu-series ng GMA News TV na Titser.

ALEX MEDINA ALVIN YAPAN DAHIL DEBOSYON MARA LOPEZ MY HUSBAND RACHEL SHOW SIYA
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with