^

PSN Showbiz

Dahil sa ginawang pagtalak sa pamilya ng ex Andi nagmamaldita pa rin sa ina

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Negative ang reaction ng ilang mga nakapano­od kay Andi Eigenmann sa Kris TV kahapon nang aminin niya na hindi pa sila nag-uusap hanggang ngayon ng kanyang inang si Jaclyn Jose simula nang magkuwento ito tungkol sa relasyon nila ni Jake Ejercito nang magpa-interview ito sa victory party ng pelikula nila noong A Secret Affair.

Ang feeling ng mga nakapanood, may pagka-maldita ang dalagang inang aktres.

Imagine daw sinabi pa ni Andi na hindi naman nagre-reach out ang kanyang ina kaya hindi sila nagiging ok.

“Dapat ba ang nanay niya pa ang lumapit sa kanya at mag-sorry,” pagtataray na tanong ng isang nakapanood sa episode ni Andi sa programa ni Kris Aquino.

Maalalang nagsalita si Jaclyn na hindi naman pabor ang pamilya ni Jake kay Andi dahil nga sa pagiging dalagang ina nito.

Agad-agad na nag-apologize si Andi sa pamilya ng karelasyon pa noon. Pero walang naging epek dahil kinalasan pa rin siya ng kanyang boyfriend na nag-aaral sa London.

Flames of love palabas sa 12/12/12

Magbubukas na sa mga sinehan ang Flames of Love, ang magbabalik ng family drama sa big screen. Nag-uumapaw ang moral values and lessons na mapapanood sa pelikula kaya dapat itong panoorin ng maraming kabataang nalilimutan na ang kagandahang asal dahil sa impluwensiya ng makabagong panahon. Ginawa ang pelikula para sa buong pamilya – teenagers and adults alike, men and women, career ladies and yuppies.

Bukod sa kuwento ng pelikula, pinagsama-sama rin dito ang mga de kalibreng artista tulad nina Christopher de Leon, Dina Bonnevie, Rep. Lani Mercado, actor-director Ricky Davao, Jaclyn Jose and Allen Dizon at ang mga kabataang sina Megan Young at si Valerie Concepcion na kino-consider niyang biggest break ang role sa pelikula.

Si Ms. Baby Nebrida, who co-directed the film with Ms. Gigi Alfonso ang nagsulat din ng kuwento.

Kilalang maka-Diyos si Ms. Nebrida.

Iikot ang kuwento ng pamilya facing challenges and issues na siguradong maraming pamilya ang makaka-relate.

Si Valerie ang link sa lahat ng mga bida sa kuwento na naghahanap ng pagmamahal.

Ito ‘yung pelikulang pinag-usapan ang pagpayag ni Rep. Lani na pahalik sa iba. Pero sinagot agad naman ni Sen. Bong Revilla na hindi siya nagselos.

Kasama rin sina Marita Zobel, Alvin Anson, Jodi Nebrida, Ku Aquino, Rina Reyes, and Fr. Peter Coching, Bea Tantoco sings the theme song, composed by Carlos Magno and Chase umibao with lyrics by Baby Nebrida.

So, tandaan palabas ito sa 12/12/12 sa mga sinehan sa buong Pilipinas.

Sexy star sobrang yaman ng mga magulang, gusto nang pamanahan!

Sobrang yaman pala ng pamilya ng isang sexy star na in a way ay sikat na. Export-import daw ang business ng mga magulang nito kaya naman yumaman nang yumaman at nakabili ng maraming ari-arian dito sa atin.

Ngayon daw ay pinaayos na ng parents ni sexy star para mailipat na sa pangalan ng mga anak nila – si sexy star nga at  isa niya pang kapatid na indirectly ay may connection sa showbiz - ang mga ari-arian. Nakikipag-usap na raw sa abogado ang mga magulang ni sexy star.

Ang siste nga lang daw, walang interes sa negosyo ang magkapatid dahil mas gusto ng mga itong makipag-sosyalan lang.

Naku kabi-kabila ang endorsement ni sexy star sa kasalukuyan kaya madaling hulaan. Pero ‘di puwedeng pangalanan dahil baka targetin pa ng mga kidnaper.

Adventure ng paddle POP, magsisimula na

Mapapanood na simula sa December 8 ang Kapuso cartoon bida, Paddle Pop.

Pramis hindi raw ito ordinaryong cartoon adventure, instead, it will be thrilling and exciting adventure series na magpapa-spark sa interes ng mga young explorers.

In the series, tuturuan ang mga kids na ang life is all about exploring and discovering new things to have fun.

Iikot ang kuwento sa future king of the Lion Kingdom, Paddle Pop. Matapang pero mabait, madaling matuto, at may obligation na protektahan ang kaharian mula sa evil na si Shadow Master na numero uno niyang kaaway na may masamang plano sa mundo.

Mapapanood ito every Saturday and Sunday, 8:00 a.m. sa GMA 7.

 

 

 

 

 

 

 

vuukle comment

A SECRET AFFAIR

ALVIN ANSON

ANDI

ANDI EIGENMANN

BABY NEBRIDA

BEA TANTOCO

PADDLE POP

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with