Phoemela takot magkuwento tungkol sa kanyang love life

SEEN: Mga bisita mula sa mundo ng pulitika at showbiz ang nagbigay kulay at saya sa 46th birthday celebration ni Sen. Bong Revilla, Jr. sa Manila Diamond Hotel noong Lunes.

SCENE: Cast member si Rayver Cruz ng Bukas Na Lang Kita Mamahalin, ang teleserye na pagsasamahan nila ng kanyang girlfriend na si Cristine Reyes at ni Gerald Anderson.

SEEN: May mga gatecrasher sa after party ng red carpet premiere ng Of All the Things noong Biyernes.

Garapal ang pagpapabalot ng pagkain ng uninvited guests.

SCENE: Kahapon ang last shooting day ng This Guy’s in Love with You Mare ng Viva Films.

Mga bida ng pelikula sina Luis Manzano, Vice Ganda, at Toni Gonzaga.

SEEN: Si Derek Ramsay ang gaganap bilang Kidlat, ang superhero sa fantaserye ng TV5. Co-stars ni Derek sa Kidlat sina Jay Manalo, Wendell Ramos, Nadine Samonte, at Ritz Azul.

SCENE: Tikom ang bibig ni Phoemela Baranda sa presscon kahapon ng Belo Beauty Issues nang tanungin siya tungkol sa kanyang love life.

Hindi open si Phoemela sa pagkukuwento tungkol sa kanyang buhay pag-ibig dahil baka hindi siya maintindihan ng publiko.

SEEN: Sa Twitter account (TheMayorLIM) ni Mayor Alfredo Lim ay panay tungkol sa mga lugar sa Maynila na napakarumi ang mga tweet sa kanya. Nangako si Mayor Lim na aaksyunan ang mga natanggap na reklamo. 

SCENE: Nag-pictorial ang cast ng Temptation of Wife noong Lunes.

Sa November ang pilot telecast ng new TV series ni Marian Rivera sa GMA 7.

Show comments