^

PSN Showbiz

'Di malilimutang ikalawang paghaharap nina Pacquiao at Marquez, mapapanood muli sa GMA

-

MANILA, Philippines - Bago ang pinakahihintay na laban ni Manny Pacquiao sa undefeated Ame­rican boxer na si Timothy Bradley, babalikan ng Laban ng Lahi ng GMA 7 ang isa sa mga ‘di malilimutang boxing match ng nag-iisang Pambansang Kamao.

Mapapanood muli ang ikalawang salpukan nina Pacquiao at Juan Manuel Marquez sa Laban ng Lahi Flashback: Pacquiao vs. Marquez II ngayong Linggo, June 3, sa ganap na 10:15 ng umaga bago mag-Party Pilipinas.

Nauwi sa isang draw ang unang paghaharap ng dalawang mahuhusay na boksingero, dahilan para sa rematch na ginanap noong 2008 sa Mandalay Bay Resort and Casino sa Las Vegas, Nevada.

Subalit sinabing mas madaming suntok ang naibato ni Marquez, napatumba pa rin siya ni Pacquiao sa round 3 ng kanilang laban sa pamamagitan ng malakas na left hook na nakapagpanalo sa Pambansang Kamao via split decision.

Dahil dito ay nakamit ng pound-for-pound King ang kanyang ikaapat na world title – ang WBC Super Featherweight Belt at ang Ring Magazine Super Featherweight title.

Tunghayang muli ang mahigpit na labang ito na nagbigay daan para sa Pacquiao-Marquez trilogy ngayong Linggo, June 3, bago mag Party Pilipinas.

Samantala, sundan ang mga pinaka-bagong kaganapan sa preparasyon nina Pacquiao at Bradley sa Countdown to Pacquiao-Bradley World Welterweight Championship daily bulletins hosted by Chino Trinidad na mapapanood mula June 4 to 9 mula 5:45 to 5:50 p.m. sa GMA 7.

vuukle comment

CHINO TRINIDAD

JUAN MANUEL MARQUEZ

LABAN

LAHI FLASHBACK

LAS VEGAS

LINGGO

MANDALAY BAY RESORT AND CASINO

PACQUIAO

PAMBANSANG KAMAO

PARTY PILIPINAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with