Eats More Fun in the Philippines!

MANILA, Philippines - Isang oras na katakam-takam na kwen­tuhan at kainan ang hatid ng GMA News TV ngayong Linggo sa huling an­niversary special offering na EATS More Fun in the Philippines.

Pinangungunahan ng host ng Idol sa Kusina at Kusina Master na si Executive Chef Pablo “Boy” Logro, ang EATS More Fun in the Philippines ay isang special feature kung saan tampok ang paglulu­to ng executive chef    ng kanyang bersyon ng ilang Pinoy dishes.  Umaapaw rin sa mga naka­aaliw na “Logro-isms” tung­kol sa mga pagkaing Pinoy at culinary culture.

Makakasama rin ni Chef Boy ang kanyang mga celebrity correspondents na umikot sa ilang lugar sa Pilipinas para sa kakaibang food adventure.  Magbabalik si Isabel Oli sa kanyang home province – ang Cebu.  Dito aalamin niya ang mga naiibang paraan sa pagluluto ng Pinoy lechon na sinasabing pinakamasarap sa buong mundo! 

Sisisirin naman ni Luanne Dy ang karagatan sa may probinsiya ng Capiz, ang itinuturing na seafood capital ng bansa, para sa masayang food adventures. At samahan naman sa isang masayang road trip sa Vigan ang Kapuso hunk na si Jace Flores upang alamin ang masasarap na pagkain sa nasabing lugar.

Makisalo na sa EATS More Fun in the Phi­lippines ngayong Ling­go, Abril 15, 8.40 pm sa nangungunang GMA News TV. 

Show comments