^

PSN Showbiz

Talent manager natatakot na makabuntis ang alaga, young actor binubuntutan ng disisais anyos na babae

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Kahit nakangiti, kita namin ang lungkot sa mga mata ng talent manager nang malamang nagsumbong ang young actor (YA) na talent niya sa direktor ng isa nitong show na pagod na siya sa walang tigil na pagpapayo ng kanyang manager. Ipinarating ng direktor sa talent manager ang himutok ni YA at nalungkot kami dahil nakita naming apektado ang manager.

Kuwento ng manager, kaila­ngang ulit-ulitin niya kay YA na mag-iingat sa babae dahil nalaman niyang may 16-year-old girl na laging nakasunod dito. Taga-Angeles City ang bagets at sinusundan si YA kahit saan. Kahit hanggang bahay pa ay bigla na lang dumara­ting.

Hindi naniniwala ang manager sa alibi ni YA na barkada at matagal nang kilala ang girl dahil ngayon lang ito umeksena, nang magkapangalan si YA. Natatakot ang manager na baka mapikot o makabuntis si YA na marami ang umaasa.

Pagpapatawa ni Marian tuloy na!

Kahapon ang storycon ng comedy show ni Marian Rivera na tweet ni Barbie Forteza ang title ay Tweets for My Sweet, sa direksiyon ni Uro dela Cruz.

Kasama ni Marian sa Tweets for My Sweet sina Barbie, Nova Villa, Elmo Magalona, Sheena, Chef Boy Logro, at Roderick Paulate. Mahuhusay na komedyante sina Nova at Roderick, malaki ang maitutulong nila sa comedy show.

Tila nag-i-experiment ang GMA 7 dahil sina Barbie at Elmo ang pinagtambal dito na maganda para maiba naman ang kanilang makakapareha. Wala pang balita kung kailan ang airing ng bagong series.

Samantala, big day sa mga fans nina Marian at Dingdong Dantes na sumusubaybay sa My Beloved ang araw na ito dahil magaganap ang love scene ng da­lawa bilang sina Benjie at Sharina. 

Jean ipinagdarasal nang pumalit kay Ali

Enjoy si Jean Garcia sa Alice Bungis­ngis and Her Wonder Walis dahil hindi siya hirap sa role ni Esmeralda at katropa niya ang mga kasama rito lalo na sina Vangie Labalan at Benjie Paras. Nahirapan lang siya noong taong tuod siya dahil sa sobrang init ang prosthetics na ginamit at pati singit niya ay pinapawisan.

Naipakita ni Jean sa Alice Bungisngis na kaya rin niyang magpatawa pero wish nitong drama ang next project niya. Kaya excited sa movie project na gagawin dahil drama ito at gusto niya ang maging role.

Gustung-gusto rin ni Jean ang mag-host ng Personalan ng GMA News TV at ipinagdarasal nitong siya na ang mapiling pumalit kay Ali Sotto

Anyway, masaya si Jean sa first acting award niya for movies na napanalunan sa Golden Screen Awards ng EnPress para sa movie na Ang Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa kasama sina Paulo Avelino at Rocco Nacino na na­nalo rin ng award.

Protégé winner hindi bothered sa walang tigil na pagli-link sa kanila ni Aiza

Nakausap namin sina Krizza Neri at Lovely Embuscado at ’di pala natuloy ang offer ng una na sa condo unit na napanalunan niya sa Protégé tumira ang huli. Na-turn over na ang unit pero hindi pa siya roon nakatira at may inaayos pa.

Sa bahay ng auntie niya sa San Juan sila nakatira ng mom niya, si Lovely naman, nagre-rent ng room sa may Arayat, Cubao for P3,500. Nag-offer sa kanya si Jaya na sa bahay nito tumira pero nahiya siya dahil kasama niya ang ina at kapatid.

Si Krizza naman ay hindi bothered sa tsismis sa kanila ni Aiza Seguerra na mentor niya sa Protégé. Tinutulungan lang siya nito up to now at sa label ni Aiza ire-release ang debut album niya na co-produced yata ng GMA Records. Nainggit ang Lovely at wish nitong magka-album din siya. Paging GMA Records!

vuukle comment

AIZA

AIZA SEGUERRA

ALI SOTTO

ALICE BUNGIS

ALICE BUNGISNGIS

DAHIL

MY SWEET

NIYA

PROT

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with