Matatanda na sila, halikan nina Kris at Robin hindi na tamang pangbenta

SEEN: Hindi na dapat i-sentro sa mga love scenes nina Kris Aquino at Robin Padilla ang publicity slant ng pagtatambal nila sa Kailangan Ko’y Ikaw.

May mga edad na sina Kris at Robin para sa ganoong uri ng publicity.

SCENE: Sammanta Anechka ang pangalan ng panganay nina John Estrada at Priscilla Meirelles na isinilang noong Lunes, Feb. 6.

Dumating si Sammanta sa buhay ni John matapos mawala sa ere ang Happy Yipee Yehey.

SEEN: Lalong tumindi ang request ng mga Pilipino na magdaos ng concert sa Pilipinas si Madonna dahil sa kanyang half-time show sa Super Bowl noong Linggo.

Manghang-mangha ang lahat sa pag-tumbling ni Madonna sa edad na 53.

SCENE: Personalized golf cart ang birthday gift ni Annabelle Rama kay Eddie Gutierrez na nagdiwang ng 70th birthday noong Feb. 6.

SEEN: Ang violent at negative reactions sa balita na nag-alok ng security si P-Noy kay Grace Lee bilang proteksiyon.

Si Mo Twister ang source uli ng balita kasi close friend siya ni Grace.

SCENE: Ang balita na hanggang sa March 2012 na lamang ang operation sa Pilipinas ng Sony Music.

SCENE: Nagalit at minura ni Moi Bien sa Facebook ang mga tao na pinaglaruan ang litrato ni Piolo Pascual. Si Moi ang ever faithful PA ni Piolo.

Show comments