Cristalle Belo, Azkals player ang bagong dyowa

Seen : Ang shooting kahapon ng Bourne Le­gacy sa Area 1 ng Navotas Fishport mula 10:00 a.m. hanggang 5:00 p.m.

Nawala ang malansang amoy ng isda sa Navotas Fishport dahil nilinis itong mabuti ng mga tauhan.

Seen : Lumipad sa Rome, Italy noong Martes ng gabi para sa kanilang honeymoon ang newlyweds na sina Shalani Soledad at Congressman Roman Romulo.

Scene : Marami ang na-inspire na magpapayat dahil kay Raymond Gutierrez. Forty pounds ang nawala kay Raymond dahil sineryoso niya ang pagpapapayat sa tulong ng Sexy Solutions.

Seen : Topless ang Indonesian guy na hinalikan ni Katy Perry sa concert nito sa Jakarta, Indonesia.

Topless din ang aspiring actor na si Ivan Dorschner nang halikan siya ni Katy sa concert nito sa Mall of Asia Concert Grounds noong Linggo.

Scripted much...

Scene : Sumaglit si Senator Lito Lapid sa ABS-CBN noong Martes ng umaga para sa kanyang contract signing.

Hindi nagtagal si Senator Lapid dahil kailangan siya sa impeachment trial ni Supreme Court Chief Justice Renato Corona.

The Little Champ ang title ng teleserye project ni Senator Lapid sa Kapamilya Network.

Seen : Ang Azkals player na si Jason Sabio ang bagong boyfriend ni Cristalle Belo-Henares.

Naghiwalay si Cristalle at ang Lebanese ex-boyfriend na si Moussa Abdayam dahil naging seloso ito.

Scene : Kahapon ang 56th birthday ni Dra. Vicki Belo.

Ipinagdiwang ni Dra. Belo ang kaarawan sa pag-attend  sa isang spiritual retreat sa ibang bansa, kasama ang kanyang boyfriend na si Hayden Kho, Jr.

Show comments