^

PSN Showbiz

Ryan naging naughty nang magka-asawa!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Natawa kami sa obserbasyon ng isang reporter na puno ng naughtiness si Ryan Agon­­cillo sa presscon nila ni Judy Ann Santos ng movie nilang My Househusband : Ikaw Na, entry ng OctoArts Films sa December filmfest.

Sample ng mga jokes ni Ryan ay ang sina­bing kaya niyang magutom ’pag nag-aaway sila at four days na hindi nag-uu­sap pero may isang bagay siyang hin­di matitiis. Nagtawanan ang press sa sinabi niyang ito.

Naughty din ang sagot ni Ryan sa tanong kung mas type niyang payat si Judy Ann?

“Pareho kaming mabigat dati, we both lose 40 pounds nang naging kami. Ang kinakabahan ako, parang kulang ang kuwarto sa bahay dahil baka ma­sundan pa ang mga anak namin. Oo mas gusto kong payat siya, pero tingin ko, kahit hindi siya pumayat, ganun pa rin ang tingin ko,” sagot ni Ryan.

Seryoso naman ang sagot ni Ryan sa tanong kung ano ang feeling na kalaban nila ni Judy Ann ang mga pelikula nina Sen. Bong Revilla, Jr. at Vic Sotto? Ninenerbiyos siya dahil giants ang mga ito, samantalang sila ay underdog.

“Pero kakampi ko sina Judy Ann, Eugene Domingo, Direk Joey Reyes, at Orly Ilacad, kaya okay na rin,” sabi ng TV host-actor.

Dennis patatandain

Kundi mababago ang schedule, sa Saturday na ang first taping day ng Legacy, ang bagong soap ng GMA 7 sa direction ni Jay Altarejos na director din ng afternoon soap na Kung Aagawin Mo ang Langit at for airing next year. Isa na ito sa soap ng network na may pinakamaraming cast - narito sina Lovi Poe, Heart Evangelista, Geoff Eigenmann, Alessandra de Rossi, Sid Lucero, Cherie Gil, Solenn Heussaff, Raymond Bagatsing, Eddie Garcia, at marami pang iba. Pati special guests ay magagaling gaya ni Dennis Trillo na ang sabi, lalabas sa flashback at lalabas na ama ng mga batang sina Lovi, Heart, at Alex.

Nina hindi pa alam kung saan lilipat

Hindi ito alam ni Nina pero kinabahan ang ilang press sa launching ng kanyang Stay Alive album under Universal Records nang kantahin ang title track dahil any moment baka bumaba ang kanyang suot at mag-hello ang boobs.

Bustier ang suot ni Nina at ’pag itinataas ang kamay, bumababa ang damit, mabuti na lang at natapos din ang song ng Asia’s Soul Siren Diamond, nakahinga ang press. Bale ba, ipinagmalaki ni Nina na natural ang boobs niya at malaki lang tingnan dahil sa push-up bra.

Anyway, first album sa two albums na gagawin sa Universal Records ang Stay Alive na isang dance album and her sexy side ang ipapakita ni Nina. Mahilig at love pala nitong sumayaw na ngayon lang niya ilalabas.

Hindi pa alam kung saan ang TV launch ng album dahil wala na siya sa ASAP Rocks at under negotiation pa kung saang network siya lilipat.

Wala siyang tampo sa ASAP pero naalala naming nagkaroon siya ng isyu with the Sessionista dati dahil parang ayaw nitong sumabay sa rehearsal.

Anak ni Candy binu-bully sa pagiging ‘Budoy’

Na-share ni Candy Pangilinan sa Twitter ang hindi magandang ginagawa ng mga schoolmates ng kanyang anak. Budoy ang tawag ng apat na bata sa kan­yang anak at ’pag nakita na ang anak niya, magda-dialogue ng “Nand’yan na si Budoy.”

Ang yaya ng anak ang nagsumbong kay Candy sa ginagawa sa bata at naawa ang komedyana sa anak.

Wala bang magagawa ang school administration sa pambu-bully sa anak ni Candy?

vuukle comment

ANAK

BONG REVILLA

BUDOY

CANDY PANGILINAN

CHERIE GIL

JUDY ANN

NINA

RYAN

STAY ALIVE

UNIVERSAL RECORDS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with