^

PSN Showbiz

Ka-liga na nina Piolo at Jericho, Gerald nagtagumpay sa pagkalas sa love team kay Kim

- Veronica R. Samio -

Walang nakakapanood ng Budoy ang hindi madadala o maiiyak sa pagganap ni Gerald Anderson ng isang mentally challenged o autistic. Nakakaiyak ta­la­ga ’yung mga gusot na kinasasangkutan niya pero higit na nakakadala sa mga manonood ’yung mga eksena nila ng nanay-nanayan niyang si Ja­ni­ce de Belen at ang napipintong pagdating ng problema sa kanila.

Higit pa sa istorya, ang ikinagaganda ng Budoy ay ang biglang pag-angat ng acting ni Gerald na nakasanayan na ng manonood na nakikipaglam­butsingan sa kanyang mga kapareha, lalo na kay Kim Chiu. Pero tanggapin natin na time­ly ang pag­hi­­hi­­walay nila dahil napatunayan nilang dalawa na pu­wede silang mag­hiwalay at magtatagumpay sila. Kim is earning kudos for My Binondo Girl pero dahil mas demanding ang requirement ni Budoy na na­ibibigay ng buung-buo at buong husay ni Gerald kung kaya siya ang mas nabibigyan ng pansin.

Bilang Budoy, Gerald has joined the league of Coco Martin, Piolo Pascual, at Jericho Rosales na kinikilala na sa kanilang husay bilang mga aktor. Slowly, humahabol na sa kanila sina Enchong Dee, Derek Ramsay, Diether Ocampo, Jason Abalos, Martin del Rosario, at marami pa.

Heart dadalhin na ng Viva sa TV5?

Hindi na kailangang mismong si Heart Evangelista ang pumunta at magprisinta para kunin siya ng TV5. Ang Viva na mismo ang gagawa nito para sa kanya. Pumirma si Heart kamakailan sa nasabing kumpanya na pag-aari ni Vic del Rosario at ng kanyang mga anak ng tatlong taong exclusive contract.

Since maraming Viva artists ang nagagawang pagbigyan ng projects sa kumpanya ni Manny Pa­ngi­linan, malamang makagawa rin dito si Heart. May dalawang pelikula na nakatakdang gawin sa Viva si Heart sa 2012. Professional si Heart para tumanggap ng mga mature roles na hindi pa niya nagagawa before.

Luis ibinilin na ni Gov. Vi kay Jennylyn

Mukhang nalilinya sa paghu-host si Jennylyn Mercado. Kahit maikli lang ang exposure niya sa Inside Protégé  gabi-gabi, kung ganun namang malaki ang itinataas ng rating ng show mabilis din ang pagtaas hindi lamang ng popularidad ni Jennylyn kundi maging ng kanyang status bilang isang artista nang mag-host na rin siya ng Protégé at maging ng Showbiz Central.

Isang accomplishment niya na maituturing ’yung pag-i-interview niya sa go­bernador ng Batangas na si Vilma Santos. Nabura sa isipan ng lahat ’yung ina­­akala nilang ’di pagkikita ng eye to eye ng future magbiyenan dahil obvious na wala silang ilangan at kumportable sa kanilang pagsasama.

Nakita rin ang pagiging sport ng dalawang pi­na­ka­mahalagang babae sa buhay ngayon ni Luis Manzano nang ibilin ng gobernadora ang anak sa aktres na “take care of Luis” at sumagot naman si Jen ng “I will.”

Isabelle nakakabanggaan si Pauleen?

Kabagu-bago pa lamang ni Isabelle Daza sa showbiz pero nakakatikim na siya ng lupit ng mundong pinili niyang galawan. Bagama’t isang mala­king dagok ang pagkawala niya sa Manny Many Prizes, isang mahalagang leksiyon ang natutunan niya, huwag maging kampante agad at pag-aralan pa ng mabuti ang kanyang trabaho.

Okay din na makarinig siya’t makabasa ng pagpuna pero sana naman ay ’yung makatutulong sa kanya at hindi makasasama ng kanyang loob.

Lately ay iniintriga ito kay Pauleen Luna pero ang kanyang manager na ang nagsasabi na hindi tipo ng kanyang alaga na magmenos ng kapwa. Katulad ng kanyang ina, friendly si Isabelle at willing matuto.

Angel gagawin ang lahat para sa anak

Tiyak na mapapahiyaw na naman ang mga masusugid na tagasubaybay ng nagre-reyna sa Primetime Bida ng ABS-CBN na Maria la del Barrio. Matapos malantad kay Victoria (Angel Aquino) na buhay ang dating matalik na kaibigan na si Sandra (Assunta de Rossi), gagawin niya ang lahat maikubli lamang ang katotohanan mula sa asawang si Fernando (Ian Veneracion) at lalo na sa anak ni Sandra na si Maria (Erich Gonzales).

Ano ang kayang gawin ni Victoria mailihis lang ang takbo ng kapalaran? Paano mababago ang buhay ni Maria sa oras na muling magkrus ang landas nila ng inang akala niya ay matagal nang pumanaw? Sa ilalim ng direksiyon nina Rory B. Quintos at Ri­chard Somes, abangan sa Maria la del Barrio ang mas matitinding mga pasabog nito ngayong linggo.

AiAi makaka-bonding si Derek

Inihahandog ng Philippine Movie Press Club (PMPC) ang isang super riot na pagtatanghal na pinamagatang The Biggest Laffter na tinatampukan ng Comedy Queen na si AiAi delas Alas. Gaganapin ito sa Zirkoh Morato, Quezon City sa Oct. 29, Saturday, 10 p.m.

Kasama ni AiAi ang bagong box-office king na si Derek Ramsay at ang 2011 Star Awards for Music Duo/Group Artist of the Year na Sakto na kinabibilangan nina Rodjun Cruz, Edgar Allan Guzman, at Lucky Mercado.

vuukle comment

ANG VIVA

ANGEL AQUINO

BUDOY

DEREK RAMSAY

KANYANG

NIYA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with