^

PSN Showbiz

LT ayaw nang lumandi

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

May special participation si Deborah Sun sa Glamorosa bilang bunga­ngerang ina ni Alice Dixson, bida si Lorna Tolentino sa soap ng TV5 at nasa iisang location sila sa first day taping pero walang batian na nangyari.

Sabi ni Deborah, nakita niya si LT, pero hindi siya nakita nito. Muntik lang silang magkita sa tent ng aktres. Pero sabi ni LT, nagkita sila, hindi lang nagbatian. “Walang problema sa akin, siya ang may problema sa akin,” ani LT.

Ano ang naramdaman niya nang malamang kasama si Deborah sa Glamorosa? “Hayaan na natin ang mga tao na magtrabaho. Tanggap ko na kung sa isip niya hindi siya nagkamali, tama na ‘yun.”

 ‘Katuwa ang sagot ni LT nang usisain kung magmamahal pa ba siya. “Kung ako ang masusunod, hindi na. Hindi na bagay sa edad ko ang lumandi pa. Magmi-menopause na ako, pero hindi ako nagsasalita ng tapos. Kaya lang sa ngayon, wala na sa isip ko ang love life,” pahayag ni LT.

Pia Magalona hindi gusto si Julie Ann para kay Elmo

Magkasama ang magka-love team na sina Elmo Magalona at Julie Ann San Jose sa Daldalita na magsisimula nang mapanood sa Lunes, bago ang 24 Oras at kapalit ng Futbolilits. Natutuwa ang dalawa dahil alam na hinihintay ng kanilang fans na mapanood silang umaarte dahil sa Party Pilipinas, kumakanta naman sila.

Si Julie Ann ay si Marga, kid sister ni Katrina (Manilyn Reynes) at si Elmo ay si Gino, apprentice ni Mateo (Ogie Alcasid). 

Nag-comment sina Julie Ann at Elmo sa isyung na-interview daw si Pia Magalona at sinabing ayaw niya kay Julie Ann na maging GF ni Elmo.

Sabi ni Julie Ann: “Hindi ko alam, ask n’yo na lang si Ms. Pia, pero wala naman akong napi-feel na ayaw niya sa akin. Mabait siya at mataas ang respeto ko sa kanya. Saka, wala pa sa isip ko ang boyfriend at friends lang kami ni Elmo.”

Ang reaction ni Elmo:” Saan lumabas ‘yan? As her son, I know better na ‘di niya sasabihin ‘yun. Gusto niya si Julie Ann dahil very professional at magaling na performer.”

Gloria tuhog sa kapuso

Ang sipag ni Ms. Gloria Romero dahil kahit busy sa Mun­ting Heredera, may time pa ring mag-guest sa ibang show ng GMA 7. May special participation siya sa Spooky Nights Presents…Singil mapapanood sa Sabado sa direction ni Uro dela Cruz.

vuukle comment

ALICE DIXSON

ANN

DEBORAH SUN

ELMO

ELMO MAGALONA

GLAMOROSA

JULIE

JULIE ANN

PIA MAGALONA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with