^

PSN Showbiz

Rufa Mae ido-donate ang mga naiwang gamot ng lola sa may colon cancer

- SEEN SCENE -

Bianca Manalo nagmumurang kamatis ’pag si John Pratts ang pinag-uusapan.

SEEN : Nakalagay na ang billboard sa Magallanes flyover ng Paris Beach Club ng Century Properties.

Si Paris Hilton ang endorser ng Paris Beach Club, isa sa mga dahilan ng pagbisita niya sa Pilipinas.

SEEN : May story conference ang Ded na Ded Ako sa ‘Yo sa Imperial Palace Suites noong Martes ng gabi.

Reunion movie nina Ruffa Gutierrez at Gabby Concepcion ang Ded na Ded Ako sa ‘Yo.

Huling nagtambal sina Ruffa at Gabby noong 1994 sa Loretta ng OctoArts Films.

SCENE : Ido-donate ni Rufa Mae Quinto sa mga may sakit na colon cancer ang mga gamot na hindi nagamit ng kanyang lola na namatay noong Lunes.

Nakaburol sa Ascencion Chapel ng Arlington Funeral Homes ang lola ni Rufa Mae.

SEEN : Nasugatan ang right leg ni Ahron Villena dahil nahulog siya sa manhole sa shooting ng Way Back Home sa Subic.

SCENE : Kinikilig at nagmumurang kamatis si Bianca Manalo kapag napag-uusapan ang panliligaw sa kanya ni John Prats.

Dinaig pa ni Bianca ang mga school girls na ngayon pa lang nakararanas na ma-in love.

SEEN : Si Snooky Serna ang bagong recruit ng Iglesia ni Cristo (INC).

Bibinyagan si Snooky sa INC sa huling linggo ng Agosto.

SCENE : Hindi pinayagan ng ABS-CBN si Tirso Cruz III na mag-guest sa TV series ni Nora Aunor sa TV5 dahil starring siya sa teleserye ng Kapamilya Network.

vuukle comment

AHRON VILLENA

ARLINGTON FUNERAL HOMES

ASCENCION CHAPEL

BIANCA MANALO

CENTURY PROPERTIES

DED

DED AKO

GABBY CONCEPCION

IMPERIAL PALACE SUITES

PARIS BEACH CLUB

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with