Carlos Agassi, Joem Bascon model ng Guitar underwear

MANILA, Philippines - Pumirma ng kontrata ang actor na si Carlos Agassi at Urian best supporting actor winner Joem Bascon bilang image models at celebrity endor­sers ng Guitar underwear, isang brand na nagsimula pa noong 1960.

Makikita ang sexy pictorial nina Carlos at Joem sa mga Guitar billboards, posters, print ads at iba pang merchandising collaterals. Naging agresibo ang kumpanya ngayong 2011 para nga naman magkaroon din sila ng brand awareness sa masa.

Natatandaan ni Carlos na gumagamit siya ng Guitar underwear noong bata pa siya, pero never niya na-imagine na kukunin siyang Guitar endorser one day at magiging kaibigan niya ang mga mababait na may-ari at empleyado ng kumpanya.

Si Joem naman ay isang baguhan sa Guitar family pero proud siyang mapabilang at ma-identify sa brand na nag-expand ng operations sa buong bansa at nage-export pa ng products sa abroad.

Limang dekada na nago-operate ang Guitar at ito ay isang proudly Pinoy na brand. Gusto din ng Guitar underwear na makilala ang mga produckto nila na affordable at may kalidad.

Show comments