Fans ni KC galit kay Rico Blanco

Seen : Insensitive ang mga tao na nagbibintang na gimmick para sa Till My Heartaches End ang pag-iyak nina Gerald Anderson at Kim Chiu sa presscon.

Scene : Galit ang Kimerald fans sa akusasyon na pinagbabantaan nila si Bea Alonzo at ang pamilya ni Gerald Anderson. May banta ang Kimerald fans na hindi nila susuportahan ang Till My Heartaches End.

Seen : Ang disappearing act ni Marvin Agustin sa presscon ng Beauty Queen. Hindi nagpainterbyu si Marvin sa press people.

Scene : No-show si Maricar Reyes sa Thanksgiving presscon ng Imortal at naiintindihan siya ng mga reporter dahil ayaw niya pa ring matanong tungkol sa video scandal nila ni Hayden Kho, Jr.

Seen : Beauty queen na beauty queen si Maggie Wilson sa presscon ng Beauty Queen. Sinapawan ni Maggie sina Katrina Halili at Iza Calzado. Tunay na beauty queen si Maggie dahil siya ang Bb. Pilipinas-World title-holder noong 2007.

Scene : Galit ang fans ni KC Concepcion kay Rico Blanco dahil sa pahayag nito na hindi siya interesado na makatrabaho ang anak nina Gabby Concepcion at Sharon Cuneta. Nagpakatotoo ang singer na look-alike ni Christian Bautista at nangangailangan ng diamond peel upang kuminis ang kanyang mukha.

Seen : Si Gretchen Barretto sa presscon ng Belo Medical Clinic para kay Derek Ramsay bilang suporta sa kapareha niya sa Magkaribal.

Scene :  Hindi hot ang media na interbyuhin si Councilor Shalani Soledad dahil wala silang mapiga na sagot sa conservative ex-girlfriend ni P-Noy.

Show comments