^

PSN Showbiz

John hindi makatulog nang makilala ang syota ng panganay

BUZZ BREAK - Eric John Salut -

Kasama namin si John Estrada sa Cebu para mag-shoot ng ilang eksena para sa bagong tele­serye niya sa ABS-CBN. Masaya ang naging ku­wentuhan namin ni John. Natatawang nai­ku­wento sa amin ng aktor na may boyfriend na si Ina, ang panganay na anak nila ni Janice de Belen.

Nangyari raw ang pag-amin ng dalaga over dinner. Diretsong sinabi ni Ina na : “Dad, I have a boyfriend and I want you to meet him,” na ikina­windang ni John.

Sleepless nights si John sa nalaman niya tungkol sa panganay na anak.

“Noong araw na ipapakilala niya (Ina) sa akin ang boyfriend niya, talagang napapaisip ako. And finally nga, na-meet ko na yung guy,” kuwento ni John.

Noong araw na kasama namin si John, abalang-abala ito sa preparations para sa 18th birthday ni Ina.

“Gusto niya lu-au theme, para maiba raw. Pinag­bigyan ko naman. Kinausap pa nga ako na sa party daw, huwag akong magbiro about her boyfriend.”

Nakakatawang ikinuwento rin ng aktor na minsan ay sinisita niya ang anak.

“Kapag tinitext ko, tamad na tamad mag-reply. Ang katuwiran niya, wala raw siyang load. Pero nung boyfriend na niya ang nag-text, ang bilis humawak ng phone at text agad.”

After magkuwento, it was only then na na-realize ni John na hindi na siya bata. At ang kanyang pa­nganay ay isa nang ganap na dalaga.

* * *

Alagang-alaga si Coco Martin ng ABS-CBN. Sunud-sunod ang shows ng mahusay na aktor sa kanyang mother network. Noong Lunes, January 18 ay nag-launch ang Kung Tayo’y Magkakalayo. Noong Biyernes ay nagtapos ang Nagsimula Sa Puso. Ngayong Pebrero naman ay ipalalabas na rin ang Agimat Presents: Tonyong Bayawak.

Hindi naman nakapanghihinayang na bigyan ng importansiya si Coco dahil sa husay at professio­nalism na ipinapakita niya. Kahit sa films, in-demand na rin si Coco. May mga offers sa kanya ang Star Cinema. Pero maingat siya sa pagtanggap ng film projects.

Kahit sa endorsements, in demand na rin si Coco. Lumabas na ang TVC niya ng Wow Ulam. Kasama na rin siya sa listahan ng mga sikat na celebrity endor­sers ng Bench. In fact, nakataas na ang ilang bill­boards ni Coco for the hippie holiday campaign ng Bench.

Pinahahalagahan ng aktor ang hard-earned money niya. Nag-iipon siya ngayon para makabili ng sariling bahay at makasama ang kanyang ina at kapatid.

Sa sobrang kaabalahan ni Coco, tila nakaka­limutan ni Coco ang kanyang lovelife.

“Priority ko muna ang trabaho. Mag-ipon. At kapag dumating yung time na nakita ko na ang right girl, may savings na ako. Ready na ako. Magiging proud siya sa akin,” sabi ng aktor.

* * *

Kung pagbabasehan ang mataas na rating ng Kung Tayo’y Magkakalayo, sigurado nang block­bus­ter hit ang Paano Na Kaya, ang pelikulang pinag­tatam­balan nina Gerald Anderson at Kim Chiu. Excited na ang tagahanga ng tambalang Kim at Gerald sa pagpapalabas ng pelikula sa Miyerkules, January 27. May premiere night ito sa SM Megamall Cinema 10 sa Martes, January 26.

Malakas ang dating ng trailer ng movie kapag napapanood namin. May kakaibang kilig ang mga eksena nina Kim at Gerald. Tungkol ito sa mag-bestfriend na later on ay naging mag-lovers.

Hanggang sa mga oras na ito ay hindi pa rin umaamin sina Kim at Gerald ng real score sa kanila. Pero maraming malapit sa dalawa ang nagsasabing mag-on na ang dalawa.

“Obvious naman e,” sabi ng aming kausap. “Makikita mo sa mga kilos nila. Kapag nag-aaway sila, mapapansin mo agad. Si Gerald, hindi inaalis ang tingin kay Kim. Si Kim, lumilipat ng dressing room. Sobrang tension ang nangyayari. Pero kapag okay na okay naman, ayun, oa sa ka-sweetan.”

Hindi na rin naman bata sina Kim at Gerald. Kung may kailangan silang aminin, hindi naman masama dahil ilang taon na rin naman silang exclusively dating.

AGIMAT PRESENTS

COCO

COCO MARTIN

INA

KUNG TAYO

NAMAN

NIYA

PERO

RIN

SHY

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with