Guesting ni Gabby sa Divas itinatago

MANILA, Philippines - SEEN : Ang pakiusap ni Manny Pacquiao na huwag idamay ang kan­yang asawang si Jinkee sa kontrobersiya ng muntik na paglipat niya sa ABS-CBN.

May pakiusap din ang Seen/Scene kay Manny, pagsabihan niya na tumahimik si Jinkee dahil ito ang nagsabi kay Kris Aquino na matagal nang gustong bumalik ni Manny sa ABS-CBN.

SCENE : Dapat manalo si Manny Pacquiao sa laban nila ni Ricky Hatton sa May 2 para mabura ang negatibong impresyon sa kanya ng mga tao.

‘Kapera,’ hindi Kapamilya at Kapuso ang tawag nila ngayon kay Manny.

SEEN : Ang broadcaster na si Aljo Bendijo ang nakakuha ng exclusive interview sa kinamumuhiang fashion designer na si Boyet Fajardo. Image model ni Boyet si Aljo.

 Isinusumpa si Boyet dahil sa pagpapaluhod nito sa empleyado ng Duty Free Philippines.

SCENE : Walang balak si Rachel Alejandro na patulan ang isyu na siya ang dahilan ng pagka­kalabuan ng relasyon nina Dingdong Avanzado at Jessa Zaragoza.

Kahanga-hanga ang pasya ni Rachel. Hindi siya sabik sa publicity.

SEEN : Ang denial ni Jessa na hiwalay na sila ni Dingdong. Siguradong masusundan pa ang mga denial at TV interviews kay Jessa. 

SCENE : Si Gabby Concepcion ang special guest sa concert ng Divas 4 Divas sa Atlantic City.

Hindi ipinagmakaingay ang special participation ni Gabby upang hindi maghabol ang kanyang manager na si Rose Flaminiano.

SEEN : Nagagalit ang mga fans ni Kim Chiu kay Jake Cuenca. Rude raw si Jake dahil tinakpan nito si Kim habang nagsasalita ito sa guesting nila sa ASAP noong Linggo. Nagrereklamo tuloy ang mga fans ni Kim dahil hindi ito masyadong nakita sa TV.

Show comments