Pasko para sa mga bata

Mabuti pa ang mga bata’t hindi ramdam kung ano ang ibig sabihin ng mga pag-aaklas, depresyong pang-ekonomiya at kalungkutan. Umiikot ang kanilang mundo sa pag-aaral, paglalaro at masasayang bagay.

Ngayong Linggo sa Life and Style with Ricky Reyes ay aaliwin kayo ng mga awitin ng tatlong grupo ng mga kabataang mang-aawit. Sila’y ang Popstar Kids, Merityell World Children Foundation Chorale founded by Atty. Erick Malonga at Tanong National High School Choice ng Marikina City sponsored by Hon. Mayor Marides Fernando.

Sa panayam ng host producer na si Mother Ricky Reyes ay malalaman din kung ano ang kahulugan ng Pasko sa mga batang ito, paano nila isine-celebrate ang Pagsilang ng Mesiyas at anu-anong regalo ang hiling nila kay Santa Claus.

Isang oras ng musika at kasiyahan ang handog ng LSWRR na napapanood alas-diyes hanggang alas-onse ng umaga tuwing Linggo sa QTV-11.

Show comments