Nag-swap Pauleen at Gerald, Kim at JC nagdi-date

Seen : Ang scoop ng isang glossy magazine sa babae na tubong Bacolod at kasalukuyang naninirahan sa Boracay. Matagal nang iniuugnay ang babae sa kontrobersyal na senador.

Scene : Ang balita na magbabalik TV si Cristy Fermin. Hindi ang ABS-CBN ang kanyang babalikan. Magkakaroon siya ng programa sa ABC 5 kung magkakaayos sila ng usapan.

Seen : Sina JC De Vera at Kim Chiu  sa Starbucks Podium noong Huwebes. Si Kim ang ka-loveteam ni Gerald Anderson na nali-link kay Pauleen Luna. Si JC ang ex-boyfriend ni Pauleen. Mga bida sina Kim at JC sa Shake, Rattle & Roll 10 ngunit magkaiba ang kanilang mga episode.

Scene : Kinokondena ng entertainment press ang panununtok na ginawa ni Tikoy Aguiluz sa entertainment writer na si Danny Vibas. Nanakit ang direktor dahil sa isang negatibong artikulo na isinulat daw ni Danny. Hinahamon ng entertainment press si Tikoy na maglabas ng ebidensya. Nanindigan si Danny na hindi niya siniraan ang Cinemanila International Film Festival. Hindi sapat ang paghingi ni Tikoy ng paumanhin kay Danny.

Seen : Si Valerie Concepcion at ang bunsong anak ni Nadia Montenegro sa ABS-CBN compound noong Lunes. Ibinili ni Valerie ng tsinelas (Havianas) ang mestisang bata na mukhang manika.

Scene : Ang statement ng kampo ni Richard Gutierrez tungkol sa gusot nila ni Aljur Abrenica. Ang PEP ang naglabas ng statement. Maglalabas din ng statement ang Artist Center, in defense of Aljur na nagmukhang gate-crasher.

“Time management is what stars whose schedules are busy need to master, for it is during these moments of privacy that a star can unwind, relax, and de-stress.

“Unfortunately, however, a star like Mr. Aljur Abrenica, an acquaintance, does not seem to understand that stars need space too, and barging in on our table unexpectedly, sitting down uninvited, and partaking of the drinks freely, does not speak well of a person’s social graces.

“I politely asked him, after a decent time, to leave. That was what the incident was all about.

“Ms. Jewel Mische, if I may correct the PEP report, was not at the Fiamma bar at all. And alas, neither was Ms. Mische the cause of the INVENTED rift.”

Show comments