^

PSN Showbiz

Jericho, malakas ang loob na mag-concert

RATED A - Aster Amoyo -

Magkasabay ng araw sa October 6 (Sabado) ang magka­hiwalay na concert ng international pop sen­sation na si Billy Craw­ford at ang Asian sing­ing idol na si Christian Bautista.  Ang sing-and-dance concert ni Billy na pi­namagatang It’s Time ay gaganapin sa Ara­neta Coliseum habang si Christian naman na pinamaga­tang Chris­tian Bau­tista: Ins­pired ay na­katakdang ganapin sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.

At kung sabay ang concert nina Billy at Christian, magkakasu­nod naman ang con­certs nina Mark Bau­tista, Erik Santos, Jericho Rosales, Piolo Pascual at Pops Fernandez. 

Ang con­cert ni Mark na pina­magatang  Ir­resistible ay gaga­napin sa Aliw Theater sa October 13 sa ga­nap na ika-8 ng gabi. Magiging special guests niya sina Rufa Mae Quinto, Sarah Geronimo, Rachelle Ann Go, Sitti at Ms. Regine Velasquez. 

Susundan naman ito ng concert ni Erik Santos sa Araneta Co­liseum sa October 19 (Friday) na pinamaga­tang Erik...Solo. Dito ay makakasama na­man niya bilang special guests sina Aiai delas Alas, Sam Milby, Da­nita Paner, The Ma­neouvres, Nyoy Vo­lante at The Com­pany.

Susubok naman si Jericho Rosales sa concert scene na ga­ganapin sa Music Mu­seum on October 18 & 19 na pinamagatang Raw Energy  na iku-co-produce ng Silver Moon Productions ni Jericho at GV Prod­uction ni Gary V. na magiging co-director at co-performer bilang special guest ng kan­yang two-night concert.  Ito rin bale ang kan­yang first major solo concert na hindi ka­sama ang grupo nilang Hunks  nina Piolo Pas­cual, Diether Ocam­po, Carlos Agassi at Bernard Palanca. 

Pagdating naman ng November 30 (Fri­day), muling babalik si Piolo Pascual sa Big Dome sa kanyang ika­lawang maj­or solo concert na su­sun­dan naman ng Diva-Li­cious ng ‘con­cert queen’ na si Pops Fer­nandez.

Dito ay makaka­sama niya bilang special guests sina Sharon Cuneta, Gary Valen­ciano, Kuh Le­desma, Jay-R at Billy Craw­ford. 

Sa magkakahiwalay na concerts, in-de­mand bilang special guests sina Gary Va­lenciano, Sam Milby at Jay-R.

Hindi naman kaya na-insecure si Erik Santos kay Mark Bau­tista dahil nakuha ng huli bilang special guest ang ex-girlfriend ng una na si Rufa Mae Quinto?

Since mauuna na­man ang concert ni Mark, imbitahan na­man kaya ni Erik ang dating kasintahan sa kanyang concert? At kung sakali, paunlakan naman kaya ni Rufa Mae ang imbitasyon ng kanyang ex-boyfriend?

Samantala, magka­karoon naman ng con­cert series  ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez na pinama­gatang Ang Ating Mu­sika na gaganapin sa Aliw Theater sa Nov­ember 9, 10, 16, 17, 23 at 24 sa ganap na ika-8:30 ng gabi. 

Ito’y ipu-produce ng Aria Prod­uctions kung saan tatayong musical di­rector ang brother-in-law ni Re­gine at pa­borito niyang MD na si Raul Mitra.  Isa sa mga confirmed guests ni Regine sa kanyang concert series ay ang R&B princess na si Kyla.

Guest din kaya ni Regine ang kanyang boyfriend  na si Ogie Alcasid?

* * *

Walang alinlangan na isa si Pia Guanio sa pinaka-bising TV per­so­nality sa kasalu­kuyan. Dalawa ang kan­yang daily show, ang Eat Bulaga at 24 Oras. Meron siyang isang weekly sitcom, ang Ful Haus kung saan niya kabituin ang kanyang love na si Vic Sotto. Meron din si­yang weekly showbiz-oriented show, ang Showbiz Central at isa pang show sa QTV, Ang Pinaka.... kung saan siya ang host. 

Practically, araw-araw, mula Lunes hanggang linggo ay napapanood sa GMA-7 at QTV si Pia pero naisisingit pa rin nito ang kanyang pagsu-shoot ng iba’t ibang product endorse­ments at higit sa lahat, ang pagiging kasin­tahan ng TV host-comedian cum prod­ucer na si Vic Sotto.

Pero sa kabila ng very tight schedule ni Pia ay ini-enjoy niya ang sunud-sunod na bless­ings na patuloy na dumarating sa kanya.

* * *

Tuwang-tuwa ang tumayong bisor (super­visor) ng Celebrity Manggagawa bilang kut­sero ng Kung Ako Ikaw kung saan si Bearwin Meily ang nakapag-uwi ng P100,000 cash dahil bukod sa TV exposure, talent fee na kanyang tinanggap mula sa KAI at ma­kahalubilo at per­sonal na ma-su­pervise bilang mga ‘kutsero’ ang mga celebrity mangga­gawa na sina Bearwin Meily, Rainier Castillo at John Feir ay binigyan din siya ng brand new colored TV kaya tu­wang-tuwa ito.

Sino naman kaya kina Juliana Palermo, Sheree at Angelu de Leon ang papalarin na makuha ang KAI Ce­lebrity Manggagawa bilang magbabalisong, malalaman nga­yong gabi ng Miyer­kules.

* * *

<[email protected]>

vuukle comment

CONCERT

ERIK SANTOS

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with