^

PSN Showbiz

Good Morning Kuya ng UNTV, makikipagsabayan sa morning shows ng GMA at ABS-CBN

- Veronica R. Samio -

Simula sa Lunes, July 23, magsisimula na ang bagong pro­grama sa umaga ng UNTV, ang Good Morn­­ing Kuya hosted by Daniel Ra­zon. Ma­papanood ito Lunes hanggang Biyer­nes, 4:45- 9:00 NU.

Primary concern ng bagong program ang pagpapatuloy ng pina­igting na public service, interactive interviews at news reporting.

Para makakuha ng pinakabagong mga ba­lita,10 patrol cars ang bi­nili at isang OB van na ma­gagamit ng progra­ma.

Bagaman at mara­ming makakasama sa programa si “Kuya”, siya muna ang pansa­man­talang tatayong bida dahil may dala­wang taon din siyang nawala.

Mayro’n siyang ma­kakasamang mga per­sonalidad na mula sa isang major network. Malalaman ang kani­lang identity sa pag­sisimula ng programa.

Bahagi rin ng ba­gong programa ang medical mission at legal consultation.

Bahagi rin ng public service ang  UNTV Lib­reng Sakay  na kung saan dalawang bus nila ang tatakbo mula Monu­mento hang­gang Bacla­ran at mula Baclaran pabalik ng Monumento. Da­lawa ang magiging biyahe nito sa umaga at dalawa rin sa hapon.

May mga 30 na ang pinapag-aaral ng UNTV na mga anak ng mga napatay na me­diamen.

GMK is a one stop-shop social service program.

* * *

Kailan kaya gaga­win ng yung kalsada na­ming binutas ng Manila Water? Naga­wa na ng DPWH ang sinira nilang kal­sada na nilagyan nila ng pipes at ma­ganda pang lu­mabas ang mga bang­keta. Naka­kasira la­mang ng view yung napa­kahabang bitak na iniwan ng Ma­nila Wa­ter nang mag­palit sila ng mga tubo ng tubig. Paminsan-minsan ay binabalikan nila ito para tambakan ng bu­hangin na tinata­ngay naman ng agos sa tuwing umuulan at nag-iiwan ng mas ma­lalim pang butas. Bakit kaya hindi na lang se­mentuhin agad pagka­tambak ng buhangin para mas lumiit ang gas­tos? Pera ng tax­payer yung inaak­saya nila, ah!

* * *

E-mail:  [email protected]

vuukle comment

BAHAGI

DANIEL RA

GOOD MORN

KUYA

MANILA WATER

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with