^

PSN Showbiz

Sinuwerte sa Japan!

-
Ayaw pa sanang umalis ng aktor na si Mike Magat dahil feeling niya, unti-unti pa siyang umaangat bilang isang action star. Subalit napapansin niyang kumokonti ang gumagawa ng action pictures at hindi niya kayang magtiis ng gutom habang naghihintay ng gagawa ng action movies. Lalo ngayong uso ang digital na mas mababa ang pay kaysa totohanang pelikula.

"Pumayag na akong mag-Japan, kumanta ako sa isang disco night club sa Nagoya City, kasama ang Cross Over Band na karamihan ay babae ang members."

Feel sana ni Mike ang kasamahang chicks pero, bawal ang nagliligawang mga trabahador dun, seloso raw ang mga Hapon.

Suwerte naman, gusto siya ng Hapon, may nagsasabit pa ng gold necklace sa kanya pagkatapos niyang kumanta. Minsan, isang 100 grams pang gold ang natanggap niya. Gusto sana niyang isoli, kaso ayaw pala ng mga Japanese na tinatanggihan ang bigay nila.

"Kalaban ko lang sa Japan, homesickness. Mamamatay ka sa lungkot kapag naaalala mo ang pamilya mo."

Subalit sa hirap kumita ng pera sa Pilipinas, pinag-aralan niyang mawala ang homesickness niya. Uuwi siya ngayong Pasko pero, babalik siya next year, maganda ang kita run. — VIR GONZALES

vuukle comment

AYAW

CROSS OVER BAND

HAPON

KALABAN

MAMAMATAY

MIKE MAGAT

MINSAN

NAGOYA CITY

SUBALIT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with