^

PSN Showbiz

Misis ni Ogie, may bf na sa Australia?

-
Ayon sa taong nakakwentuhan ni John Lloyd Cruz ay tila knows na nito ang tungkol kina Mico Palanca at Bea Alonzo kaya napangiti lang daw ang aktor nung kunan siya ng reaksyon tungkol sa karelasyon ng leading lady niya sa Maging Sino Ka Man.

"As long as masaya siya, masaya na rin ako kasi kaibigan ko siya," ani John Lloyd.

Hindi naman daw nakita pa ni John Lloyd na dumalaw si Mico sa set ng MKSM at kung sakaling dumalaw nga ay walang problema at welcome na welcome ito sa kanya.

At higit sa lahat ay tanggap na rin naman daw ng fans nila na may iba silang karelasyon maski sila ang magka-loveteam.

"Thankful nga kami sa fans namin kasi alam nila ang totoo at heto, suportado pa rin kami," dagdag pa raw ng aktor.

At base rin sa obserbasyon namin kay Mico nung gabing makita namin silang magka-date ni Bea sa show ni Sitti sa Metrobar ay parang mas selosa pa ang aktres kaysa sa aktor kaya okey lang din na may kissing scene ang girlfriend niya kay Loydie.
* * *
Ayaw naming isiping tila ini-enjoy ni Ogie Alcasid ang mga intriga sa kanya para ma-sustain ang publicity maski na wala siya rito sa bansa?

Bakit, e, kasi parang nage-enjoy siyang sagutin ang mga intriga sa kanila ni Regine Velasquez na walang katapusang pinag-uusapan at ang walang kamatayang hiwalayan nila ng asawang si Michelle Van Eimeren na paulit-ulit na lang ding pinag-uusapan na hindi man daw totoo.

Dahil kung hindi siya nage-enjoy, dapat siya mismo ang gagawa ng paraan para maputol na ang mga isyung ito, e, kaso ang sagot niya sa amin nung tanungin namin, kung ano ang hakbang niya sa mga walang kamatayang intrigang ito ay, "Hayaan mo sila, I don’t want to fight with anybody, wala lang dedma na."

Sa madaling salita, okey lang ang mga isyu as long as kaya pa niyang sagutin pala? Lalo na ang isyung may boyfriend na raw ang asawa niya sa Australia na ang mabilis na sagot sa amin ng singer/composer ay, "As far as I know, we’re both happy," so malabo ang sagot niya dahil binibitin niya ang tao.

Sabagay, bakit nga naman niya pipigilan ang libreng publicity lalo’t may sarili na silang recording company ni Songbird at malaking bentahe nga naman na parati silang nasusulat.

Dahil yung iba nga, nagbabayad pa ng reporters para lang isulat sila, at least sina Ogie at Regine ay parating nasa limelight.

Anyway, may show si Ogie sa December 2, 8PM sa Casino Filipino (Pagcor) na may titulong Ogie Alcasid Sings His Greatest Hits. – REGGEE BONOAN

vuukle comment

BEA ALONZO

CASINO FILIPINO

DAHIL

JOHN LLOYD

JOHN LLOYD CRUZ

MAGING SINO KA MAN

MICHELLE VAN EIMEREN

MICO PALANCA

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with