Revivals, pauusuhin ni Anna!

Kararating lang ng magandang recording artist/businesswoman na si Anna Dizon mula sa Oriental Mindoro kung saan naging sponsor ang kanyang world class Villa Anna Paradise Resort and Farm sa matagumpay na re-launching ng Corporate Air sa Pinamalayan airport.

Aside sa kanyang mga iba’t ibang mga negosyo ay pinagkakaabalahan rin ngayon ni Anna ang promo ng latest single niyang "Nais Ko", komposisyon ni Vehnee Saturno at pinasikat nu’ng 90’s ng balladeer na si Miguel Vera. Included ito sa kanyang "Reborn" album under her own label. Sa "Nais Ko" ni Anna ay mauuso na naman ang mga revival song.

Sa darating na January ay magpi-perform naman si Anna sa opening ng isang club sa Nagoya, Japan. May naka-line-up rin siyang mga TV guesting. — PETER LEDESMA

Show comments