Tuta, naging tao nang halikan ni Jolina!

Sino ang may sabing hindi puwedeng mag-work-out ang long distance love affair?

Bakit sina Jolina Magdangal at ang kanyang bf na si Bebong Muñoz naka-limang taon na silang steady ngayon.

At nakatutuwang tingnan si Jolens dahil abot hanggang tenga ang kanyang ngiti kapag nagkukuwento tungkol sa kanyang lovelife.

Kahit malayo ang bf ni Jolens regular ang kanilang communications thru cellfone, email, at chat with web cam. Kaya nung Valentine’s Day on net sila nag-date ni Bebong na kilig na kilig na ikinukuwento ni Jolens.

At kung hindi lang nahuli ng pagpapadala ng kantang "Gusto" na ipinasulat ni Bebong para kay Jolina, ito sana ang carrier single ng "Tuloy Pa Rin Ang Awit ni Jolina" album. Hindi marunong kumanta si Bebong kaya ipinagawa nito ang kantang "Gusto" sa classmate niya na taga-Ateneo.

Kaya nang kantahin ni Jolens ang "Gusto" sa kanyang album launching ay feel na feel nito ang song na bukod sa maganda ang melody ay napakaganda rin ng lyrics na tiyak na magiging hit sa mga listeners.

Ang carrier single ng "Tuloy Pa Rin Ang Awit ni Jolina" ay ang theme song ng Asianovela na My Name is Kim Sam Soon na "Maybe It’s You." Cute na cute ako sa music video ng "Maybe It’s You" ni Jolens na dinirek ni Avid Liongoren. Hindi ko lang nagustuhan ang ending ng MTV dahil naging tao yung tuta na isang mini toy terrier pagkatapos halikan ni Jolens. Hindi na ako nagtaka kung bakit kasama si Cosmo (pangalan ng tuta) sa MTV dahil regalo pala ito sa kanya ni Bebong na 5 yrs nang inaalagaan ni Jolens.

Mahilig pala talaga si Jolina sa mga aso. Katunayan ay walong iba’t ibang lahi ng aso ang nasa bahay ni Jolens na super pa ang kanyang pag-aalaga dahil may mga diaper, tsupon, iba’t ibang accessories at damit pa ang mga ito.

Samantala, halos 15 yrs na si Jolina sa movie industry na nagsimula sa 14-K at Ang TV. Pagkatapos ay naging artista, fashionista, businesswoman, host na si Jolina, pero hanggang ngayon ay binabalik-balikan pa rin nito ang kanyang first love, ang singing kung kaya ang title ng kanyang bagong album ay "Tuloy Pa Rin Ang Awit ni Jolina" na naglalaman ng 13 cuts na release ng GMA Records.

Show comments