^

PSN Showbiz

Daniel Razon tatapatan ang 'Unang Hirit' ng 'Pilipinas Gising Ka Na Ba?

- Veronica R. Samio -
Hindi naman mami-miss ang news anchor na si Daniel Razon ng kanyang mga fans, ito ay sa kabila ng pagkawala niya sa GMA7 dahil mayro’n na siyang bagong news/Magazine show. Ito ang Pilipinas, Gising Ka Na Ba? na mapapanood Lunes hanggang Biyernes, 5:00-7:00 NU, simula, Hulyo 4 sa UNTV, Channel 37, UHF Band at Channel 59 sa inyong Home Cable. Si Daniel mismo ang nag-isip ng konsepto ng programa matapos ang mga pangyayari sa pagitan nila ng GMA. Balak din nitong mag-introduce ng never before seen na TV paparazzi sa kanilang programa.

Makakasama ni Daniel bilang host ng programa ang nagbabalik na si Jay Sonza, Atty. Batas Mauricio, Councilor Shelani Soledad ng Valenzuela City, Ben Tulfo, Dr. Edwin Bien, Annie Rentoy, Atty. Concon Panotes at ang mga kasama sa panulat na sina Peter Ledesma at Pete Ampoloquio bilang mga tagapaghatid ng showbiz news. Mayro’n ding negosasyon na ginagawa para makuha ang serbisyo ng dalawang former Bb. Pilipinas para makasama rin sa Pilipinas, Gising Ka Na Ba?
* * *
May free concert ang bandang Sugarfree sa Roxas, Isabela sa okasyon ng ika-57th foundation nito. Bahagi ang concert ng two-day festivities na tinawag na Pagay (Palay) Festival na inorganisa ng local government sa pamumuno ni Mayor Benedict A. Calderon sa tulong ng non-government organizations at private sector bilang pasasalamat sa magandang ani ng probinsya.

Ang Roxas ang pinakamalaking rice producer sa Isabela. It also produces corn, tobacco, root crops at mga gulay.

Naging munisipalidad ito nung Hulyo 4, 1948 at ipinangalan kay Pangulong Manuel A. Roxas.

Ang mga nakaplanong aktibidades para sa Pagay Festival ay ang "Macho Nuang" (competition ng mga robust and good looking carabaos), regional food festival, cultural dance competition, street dancing, parlor games at sayawan ng bayan.
* * *
May pelikula na naman si Vhong Navarro, silang dalawa ni Direk Joyce Bernal. Matatandaan na naging matagumpay ang pagsasama nila sa Mr. Suave. Kapareha dito ni Vhong si Toni Gonzaga.

Ang movie na pinamagatang D’ Anothers ay tungkol sa mga multo, pagkikita ng mga multo at tao na magpapatayo ng balahibo ng mga manood and at the same time ay tatawa sila sa paraan ng pananakot na gagawin ng pelikula. Maski na si Bella Flores ay magiging katawa-tawa kahit ang role niya ay sa isang kontrabida.

Si Vhong si Hesus Resurreccion, kayan-kayanan ng lahat, niloloko, maski na ng mga magulang ng mahal niya. Nakamana ito ng isang mansyon na nagkakahalaga ng milyon. Gusto niya itong ipagbili pero, di pwede dahil minumulto ang lugar. Nang bisitahin niya ito ay laking gulat niya dahil ang dami ng tao sa loob, lahat sila’y multo at sila ang magpapabago ng takbo ng buhay niya.

Sama rin sa movie sina Joross Gamboa at Roxanne Guinoo, Neri Naig, Jhong Hilario, Pokwang, John Prats, Mura, Michelle Madrigal, Joshua Deocareza at Jill Yulo.

Palabas sa Hulyo 27.
* * *
E-mail: [email protected]

vuukle comment

ANG ROXAS

ANNIE RENTOY

BATAS MAURICIO

BELLA FLORES

BEN TULFO

GISING KA NA BA

HULYO

PILIPINAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with