^

PSN Showbiz

Daniel Razon kinawawa ng GMA?

-
Dahil lamang sa isang blind item na lumabas sa isang panghapong tabloid na diumano’y minura ni Daniel Razon ang ministro ng Iglesia ni Kristo sa isang pagtitipon ng Ang Dating Daan sa General Trias, Cavite na pinamumunuan ni Bro. Eli Soriano at kung saan ay kaanib siya ay napasama tuloy si Daniel sa pamunuan ng GMA. Lalo na nang kaliwa’t kanan ay tumanggap ang network ng mga text at hate e-mails na sinasabing nanggaling daw sa kampo ng INC.

Pinag-explain daw si Daniel ng management ng GMA ng kanyang side. Matapos niyang itanggi na hindi niya ginawa ang mga ibinibintang sa kanya ay pinagsabihan siya na hindi siya dapat ma-involve sa Ang Dating Daan. Dahil nasaktan, nakapagbitaw ito ng mga salitang "I would rather lose my job and career than lose my faith and my God!" Hayun! Ang 30 days nitong vacation leave na nag-start nung May 13 na supposedly ay magtatapos sa June 13 at babalik na siya ng Unang Hirit ay naging forever na. Hinding- hindi na siya makakabalik sa kanyang morning show na minahal niya for three years.

Ang hinanakit lamang ni Daniel nung makausap ko siya through Direk Angelito de Guzman, director-producer ng Chika Mo Chika Ko sa UNTV ay ni hindi man lamang tinapos ng Siete ang kontrata niya na aabot sana hanggang Dec. 31, 2005. At dahil sa hindi makatarungang pagkakatanggal kay Daniel ng Siete ay nagbabanta ngayon ng boykot ang mga followers nito ng Unang Hirit.

Bukas po ang pahina ng PSN para sa side ng management ng GMA7.Peter Ledesma

vuukle comment

ANG DATING DAAN

CHIKA MO CHIKA KO

DAHIL

DANIEL RAZON

DIREK ANGELITO

ELI SORIANO

GENERAL TRIAS

PETER LEDESMA

SIETE

UNANG HIRIT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with