Marinara ni Rufa Mae,ideya ni Regine !

Tila very promising na naman ang bagong pakulo ng Siyete (GMA 7) dahil sa kanilang "Kuwelanovela" na kung saan, tatlong katauhan mayroon si Rufa Mae Quinto na siyang napili na magbida sa talagang kuwelang serye, ang Marinara, magsisimula na sa June 14. Gagampanan ni Rufa Mae ang triplets na sina Mari (ang mabait), Dolphina (ang sirena) at Aira (ang sosyalera) na may buntot sirena tulad ni Marina sa Dos ay ginawan din ng buntot ni Rene Abelardo, ang gumawa ng buntot ni Marina (Claudine Barretto).

Mula sa konsepto ni Regine Velasquez na si Rufa Mae ang gusto niyang maging bida. Ang sumulat ng skrip ay si Gina Marie Tagasa-Gil. At ang direktor ay sina Eric Quizon and Soxy Topacio. Theme song na nilikha ni Ogie Alcasid. Heavy ang cast ng kauna-unahang kwelanovela sa telebisyon. Makakasama ni Rufa Mae sina Wendell Ramos, Alfred Vargas, Mel Martinez, Melanie Marquez, Gene Padilla, Angel Aquino, Ronaldo Valdez (Janno Gibbs sa papel na young Ronaldo) Vangie Lavalan, Tess Bomb, Patricia Ismael, Gladys Reyes, Jess Lapid, Denoy Navarro, Diego, Julian Lee at marami pang iba.

Makaya kaya ni Rufa Mae ang maging si Marinara sa dami ng kanyang commitment dahil ang taping ay 3 times a week na nakasuot sirena at nakababad sa tubig, sa dagat sa Batangas? Letty G. Celi

Show comments