^

PSN Showbiz

Born & bred sa London pero mahusay mag-Tagalog

RATED A - Aster Amoyo -
Klinaro ng presidential son at part-time actor na si Mikey Arroyo ang mga balitang naglabasan na muntik na silang maghiwalay ng kanyang misis na si Angela Montenegro-Arroyo nang dahil lamang sa mga intriga sa kanila ng sexy star at kapareha niya sa AB Normal College na si Rufa Mae Quinto.

"Non-showbiz si Angela. Natural lamang na magtanong siya sa mga naglalabasang isyu, pero hindi naman dumating sa point na muntik na kaming maghiwalay," deklara ng actor-politician.

"Pareho pa rin kaming naga-adjust ni Angela sa buhay may asawa. Lahat naman siguro ng mga couples ay dumaraan sa ganitong stage at hindi kami naiiba sa kanila. Ang mahalaga, nagkakapaliwanagan kami at naaayos ang problema sa aming pagitan," pagtutuwid pa ni Mikey.

"Sanay na akong maintriga, pero ang wife ko hindi. Sana, huwag na siyang nadadamay," pakiusap pa ng panganay ni Presidente GMA.

Samantala, hindi ikinakaila ni Mikey na naging solid ang samahan nila nina Andrew E., Ogie Alcasid, Rufa Mae Quinto, Patricia Javier, Jen Rosendahl at ang Salbakuta nang gawin nila ang pelikulang AB Normal College na dinirek ni Al Tantay.

"Masarap katrabaho ang buong cast. Sana magkasama-sama ulit kami sa pelikula in the future," asam pa nito.

Habang isu-showing pa lamang sa Pebrero 12 ang AB Normal College nagsu-shooting si Mikey ng kanyang pangalawang projects sa Viva Films, ang Masamang Ugat na pinagsasamahan nila nina Ace Vergel, Victor Neri at Maui Taylor mula sa direksyon ni Willy Milan.
* * *
Ang seventeen-year-old na si Elizabeth Burton, isang British-Filipina ang pinakabagong build-up star ng FLT Films na pinamumunuan ni Mommy Rose Flaminiano.

Si Elizabeth ay ipinapakilala sa pelikulang You & Me Against The World na unang tambalan ng dating magkasintahang Kris Aquino at Robin Padilla mula sa pamamahala ni Joe Carreon. Siya bale ang ka-love triangle nina Robin at Kris sa pelikula.

Although ipinanganak at lumaki sa London si Elizabeth, napaka-fluent nitong magsalita ng Tagalog.

"I owe it to my (maternal) lola," aniya.

Ipinanganak si Elizabeth sa London nung November 14, 1985. Panganay siya sa tatlong magkakapatid. Ang kanyang dalawang nakababatang kapatid ay sina Charles Edward (15) habang ang kanilang bunso ay si Margaret Anne (3). Briton ang kanyang amang si Ronald William Mole at taga-Tarlac naman ang kanyang inang si Evangeline Dominguez. Her dad is an international project engineer at consultant siya sa on-going MRT projects.

Sa Northridge in London nag-aral ng elementary si Elizabeth at nagtapos naman siya ng high school sa Brent International School in Baguio City kung saan naka-base ngayon ang kanyang pamilya. Pero may bahay din sila in Quezon City kung saan siya nakatira kasama ang kanyang yaya. First year college student naman siya sa UP Diliman kung saan siya kumuha ng kursong BS-Psychology.

Pamilyar na rin ang mukha ni Elizabeth sa marami dahil nakagawa na rin siya ng ilang commercials. Since family friend nila sina Momy Rose Flaminiano, hindi naging mahirap na makumbinse siya at ang kanyang parents na sumang-ayon sa kanyang pag-aartista.

Pumirma ng eight-picture exclusive contract si Elizabeth sa FLT Films. Si Mommy Rose din ang naghanap ng manager para sa kanya at dito pumasok si Dondon Monteverde.

"Kahit nakakontrata si Elizabeth sa FLT, willing akong ipahiram siya sa ibang kumpanya kung maganda ang project at kung sina Chito (Roño) at Joel Lamangan ang director," say ni Mommy Rose.

Looking closely at Elizabeth, malaki ang pagkakahawig nito sa dating Miss Universe na si Dayanara Torres.

Since bago lang siya sa pag-aartista, nagwo-workshop siya kay Direk Erik Matti.

"I want to make good in my craft," say niya sa amin.

Ang pagiging simple, warm and friendly ni Elizabeth ay isang malaking factor na ma-win niya ang publiko lalo na ang mga kasamahan niya sa showbiz.

Ang kanyang interes bukod sa kanyang pag-aaral ay acting, singing, dancing and baking cookies.
* * *
E-mail to: <[email protected]>

vuukle comment

ACE VERGEL

AL TANTAY

ANDREW E

ELIZABETH

KANYANG

MIKEY

NORMAL COLLEGE

RUFA MAE QUINTO

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with