Isa sa maituturing na magandang halimbawa sa hanay ng kabataan ay ang young sexy actress na si Ara Mina.
Hindi pa man natatagalan ang pagbubukas ng kanyang Cosmopolitan Cafe ay nagdagdag na agad ito ng isa pang negosyo, ang Osteria Italia sa kahabaan ng Tomas Morato.
Kahit lay low siya sa pagpapaseksi sa pelikula ay busy naman siya sa taping ng Bubble Gang at ilang TV guesting, at iba pang out-of-town commitments. Pero sa kabila ng kanyang kaabalahan ay siya pa rin ang personal na nag-aasikaso sa ilang detalye ng kanyang dalawang negosyo. LMS