^

PSN Showbiz

Geneva Cruz stars in Janno/Blakdayk movie

-
Marami ang nagulat na makita si Geneva Cruz sa maituturing na launching movie niya na suporta lamang sa isang pelikula na nagtatampok sa tandem nina Janno Gibbs at Blakdyak. Akala nila na dahil sa okay naman na magpa-seksi siya ay mailulunsad siya sa mga pelikula na katulad ng ginagawa nina Rica at Assunta. Pero nagkamali sila. Isang komedi ang maglulunsad sa movie career ng magaling na singer at nagmula sa angkan ng mga magagaling kumanta. Ito ang Weyt A Minit, Kapeng Mainit na kung saan ay kapareha siya ni Janno at kay Blakdyak naman ay ibinigay na love interest si Angela Velez.

Tungkol sa dalawang waiter na hindi sinasadya ay naka-witness ng isang krimen. Syempre, kailangan silang mapatahimik at ang pag-iwas nila sa mga may tangkang pumatay sa kanila ang magdadala sa kanila sa masayang adventure na kung saan ay magpapanggap pa silang mga babae.

Ang pelikula na nasa direksyon ni Ben Feleo ay unang pagtatambal nina Janno at Blakdyak. First venture din ito ni Geneva sa bigtime movie acting. Dati ay okey na sa kanya yung kumanta lamang. Pero nang dumating ang pagkakataon mula sa Viva Films, agad ay sinunggaban niya ito. Ang pelikula na nasa direksyon ni Ben Feleo ay unang pagtatambal nina Janno at Blakdyak. First venture din ito ni Geneva sa bigtime movie acting. Dati ay okey na sa kanya yung kumanta lamang. Pero nang dumating ang pagkakataon mula sa Viva Films, agad ay sinunggaban niya ito.

Si Geneva na lamang ang pag-asa para muling maitayo ang pangalan ng Cruz na babae sa larangan ng pag-arte. Nagsipag-asawa na sina Sheryl at Donna. May asawa na rin si Sunshine at bagaman at hindi pa nagsasabi na iiwan niya ang pelikula ay obvious na mas maligayang mag-asikaso kay Cesar at sa kanilang anak kaysa muling mag-pelikula at magbilad ng katawan.

Sa Weyt A Minit, Kapeng Mainit, Geneva hopes na ito ang maging simula ng isa pang maningning na career para sa kanya.

vuukle comment

ANGELA VELEZ

BEN FELEO

BLAKDYAK

DATI

GENEVA CRUZ

JANNO

KAPENG MAINIT

PERO

VIVA FILMS

WEYT A MINIT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with