^

PSN Showbiz

Maricel, ayaw pa ring pag-usapan si Cesar

-
All’s not well with the Diamond Star, Maricel Soriano, and Cesar Montano. Obvious ito sa pag-iwas niyang pag-usapan ang aktor during the presscon of her movie Mila. At kung magpipilit ang kumakausap sa kanya ay baka matarayan pa niya and so they chose not to pursue the topic. Nakita naman nila kung paano "magalit" o magtaray si Maria nang masira ang konsentrasyon niya sapagkat patuloy ang pag-ring ng cellphone ng kanyang manager na si Manny Valera. Medyo umiba rin ang mood niya nang habang sinasagot ang isang tanong ng press ay kumakalansing ang mga kubyertos na inililigpit ng waiter ng Annabel’s Restaurant. Medyo nagkakatinginan ang marami nang tawagan niya ang pansin ng waiter na nagliligpit. Bago ito, ay malakas niyang sinabi na kung maaari ay patahimikin ng kanyang manager ang telepono nito na nakaka-distract sa kanya.

But no matter gaano man kataray si Maricel, ang umaangat ay ang kahusayan niya bilang isang aktres na muling lulutang sa pelikulang Mila, na naging isa nang malaking event. Hindi lamang all out ang promo na ibinibigay dito ng Star Cinema na tinatampukan ng isang essay writing contest at ng malawakang premiere nights na magaganap ng dalawang gabi bago ang regular showing nito. Sa Hunyo 25 ay magkakaroon ito ng isang invitational premiere sa Rockwell Power Plant. Kinabukasan, may simultaneous national regional premiere din ito.

"First time ko na mabigyan ng ganitong klaseng promo," ang may pagmamalaking sabi ni Maricel bagaman at ang nakaraan niyang pelikula sa Star Cinema gaya ng Separada, Abandonada at Soltera ay hindi naman mga maliliit na pelikula.

Ang Mila ang itinuturing ni Maricel na pinaka-most unforgettable role niya sa big screen. Nagawa niyang maipakita ang karakter na ginagampanan niya bilang isang babae na bagaman at hindi nakatanggap ng pagmamahal sa kanyang ina ay nagawang magbigay ng kanyang pagmamahal sa iba, unconditionally.

Sa pelikula, isa siyang guro, hindi matatawag na ordinaryo sapagkat isa rin siyang beaten lover, anak, sidewalk vendor, counselor and friend.

Suportado siya sa pelikula ng isang grupo ng magagaling ding artista. Tulad nina Piolo Pascual, Cherry Pie Picache, Princess Punzalan, Angelica Panganiban, Serena Dalrymple, Kaye Abad, Caridad Sanchez, Eva Darren, Berting Labra, Tony Mabesa, Mel Kimura, Kathleen Hermosa, Don Laurel, Jim Pebanco, Tom Olivar, Mario Magallona, Bea Nicolas, BJ de Jesus, Alfred Labatos, Jiro Manio, Luis Alandy at Nonie Buencamino. Direksyon ni Joel Lamangan.
*****
Marami sa nanood ng preview ng Luv Text ng Maverick Films na ginanap sa Viva ay nakaramdam ng kilig sa muling pagsasama nina Judy Ann Santos at Wowie de Guzman. Bagaman at malakas pa rin ang chemistry ng dalawa, obvious na nagkakailangan na sila, nagkakahiyaan lalo na sa kanilang kissing scene.

Light ang role ni Wowie compared sa roles nina Carlo Muñoz, Luis Alandy at Russel C. Mon. Ang lamang siguro niya sa tatlo ay siya ang kapareha ni Juday sa movie. Pero, masasabi kong pinaka-maswerte sa pelikula si Wilma Doesn’t na ang "papa" pala sa hulihan ng movie ay walang iba kundi ang direktor ng movie na si Rowell Santiago. Napaka-guwapo pa rin ni Rowell para i-relegate ang sarili behind the cameras. Sana mabigyan pa siya ng acting roles.

Kita ang efforts ni Rowell na gawing sopistikada si Juday sa pelikula at kahit na pumayat na ito ay mataba pa rin siyang lumabas sa screen. Okay silang magkaibigan ni Wilma pero parang napaka-ingay nila. May ilang elemento ng fantasy sa movie pero tatanggapin na rin ito ng mga manonood who will find the end of the movie kinda cute.

vuukle comment

ALFRED LABATOS

ANGELICA PANGANIBAN

LUIS ALANDY

MARICEL

NIYA

STAR CINEMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with