^

PSN Showbiz

Pabobonggahin ang 'Mutya' guest

-
Tiyak na higit na magaganda at matatalino–tipong world class beauties–ang mga magwawagi sa Mutya ng Pilipinas 2001 search dahil sa pinagsanib na puwersa ng GMA-Netwrok at Miss Asia Pacific Quest Incorporated.

Kamakailan lang ay nagpirmahan ng kontrata ang dalawang kompanya upang magkasamang ilunsad at pamahalaan ang Mutya ng Pilipinas at Miss Asia Pacific Quest, simula sa taong ito. Talaga namang pawang mga engrande ang planong siguradong ipapatupad ng GMA at MAPQI simula sa paghahanap ng mga nararapat magwagi, sa produksyon ng pageant, at sa mga pa-premyo.

Magiging tunay na nationwide ang timpalak, kaya’t magsisimula sa pagpili sa mga probinsiya at iba’t ibang siyudad sa bansa. Totoong susuyurin ang buong kapuluan upang makapili ng pinakamagagandang official candidates sa Mutya ng Pilipinas 2001. Siyempre ang mga pangunahing sponsors ng pageant ay mga produkto ng Uniliver tulad ng Ponds at Lux.

Lahat ng magagandang babae, 18-24 years old, na tipong pang-global contest ang dating atleast 5’4’ ang taas at high school graduate, ay maaaring mag-apply sa GMA office sa Saguitarrius Bldg., sa Makati.

Kapag napili na ang mga official candidates, ipakikilala sila sa D! Day ng Channel 7, in a docu-drama. Marami pa silang mga TV guestings na gagawin at siguradong masusubaybayan ng publiko ang mga activities at ang busy schedules ng mga contestants.

Sabi pa ng GMA ang pageant night na gagawin sa NBC Tent will be one of the most entertianing beauty pageant ng Pilipinas 2001, Mutya Intercontinental, Mutya Queen of the Year, Mutya Tourism International at Mutya Queen of Clubs– na pawang lalahok sa iba’t ibang international beauty contest sa taong ito.

Kayong mga talent scouts, simulan na ang pagkumbinse sa mga magaganda at tunay na edukada’t matalinong mga chicks upang lumahok sa Mutya ng Pilipinas 2001 search. Siyempre may premyo din ang mga talent scouts bukod pa sa "komi" ibibigay sa kanila ng kanilang discoveries.
*****
Sa presscon ng Mutya search sa Sulu Hotel ay nakita namin ang isang Mutya ng Pilipinas winner, na naging kalahok ng bansa sa Miss World contest, na si Dana Narvadez. Hindi naman nagbago si Dana, except na medyo nadagdagan ang kanyang timbang. Mrs. Silverio na pala siya at dalawa na ang anak niya.
*****
Sa Quezon City na yata ang pinakamaraming mga artistang kandidato simula sa mayor, vice mayor, congressman at councilors. Ang tanong ay ilang porsyento kaya ng mga artistang kandidato ang magwawagi sa darating na election?

Mas malaki o higit na maliit na bahagi kaya kaysa noong nakaraang halalan ang magwawaging artista this year? Siguradong higit ang mga uuwing luhaan o mga lus valdes, di ba?

vuukle comment

DANA NARVADEZ

MISS ASIA PACIFIC QUEST

MISS ASIA PACIFIC QUEST INCORPORATED

MISS WORLD

MRS. SILVERIO

MUTYA

MUTYA INTERCONTINENTAL

PILIPINAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with