^

PSN Showbiz

Vina talks about men!

-
Ngayong mayro’n nang nagpapaligaya sa kanyang buhay, nagbibigay ng inspirasyon sa mahirap niyang trabaho at nagbibigay ng kulay sa kanyang maintrigang mundo, nagagawa nang magsalita ni Vina Morales tungkol sa mga lalaki na hindi lamang naka-relasyon niya kundi maging ang mga lalaki na naka-trabaho niya.

At 25 years old, wala pa sa isip ni Vina ang paglagay sa tahimik bagaman at last year, lahat ay humula na sa altar hahantong ang kanyang relasyon kay Miguel Zuburi. Unfortunately, nagkamali ang mga hula, ang mga haka-haka.

"Kahit naman nun, hindi ko inisip ang pag-aasawa. I was just enjoying the relationship. Pero, mahirap pala dahil maraming adjustment, lalo’t magkaiba ang trabaho namin. In the end it was not enough. Pero, wala naman akong nadamang pagsisisi. We were not meant to be. But we parted as friends. Matagal na nga lang kaming hindi nagkakausap at nagkikita," sabi niya.

With her new boyfriend, wala pa rin ang kasal sa agenda.

"Matagal pa yun, mga three years pa siguro," imporma niya.

She spends most of her time fulfilling her showbiz obligations. Tapings, shootings, recordings, guestings, personal appearances.

"I also work out two times a week. Pag hindi, nauubusan ako ng hangin kapag kumakanta ako. I also do threadmill sa bahay. Isinasabay ko na rin ang pagkanta ko rito," dagdag pa niya.

What about her lovelife, wala ba silang nights out? Hindi ba sila nagdi-date ng kanyang nobyong si Roy Opek?

"Minsan nagdi-dinner kami pero, madalas wala siya rito, nasa ibang bansa. May mga negosyo rin kasi sila sa labas ng Pilipinas aside from their trading business here pero, tinatawagan niya ako, araw araw. Nagti-text din siya.

"Pag libre ako, inaasikaso ko ang pagpapaayos ng bahay ko.

Matagal na itong ginagawa, mga five months na pero, hanggang ngayon, hindi pa rin tapos. Dalawang kwarto lang naman ang idinadagdag, isang kwarto para kay Shaina (Magdayao) at isa para sa akin. We’re still living with my sister Shiela and her family in Capitol Hills."

Inamin ni Vina na tatlong lalaki pa lamang ang nagiging bahagi ng kanyang buhay, ang kanyang nakarelasyon. Una si Keempee de Leon. Ito ay nung panahon pa nila sa That’s Entertainment.

"Seloso siya masyado. Walang araw na hindi siya nagseselos. Mga bata pa kami nun, hindi pa masyadong nakakaintindi ng buhay. Mahigit isang taon ding tumagal ang aming relasyon."

Inamin din niya na seloso rin si Robin Padilla. "Sandali lamang ang aming relasyon, paputul-putol pa. Paminsan-minsa lang siya kung magselos pero, grabe naman. Minsan naglalabas pa siya ng baril. Pero, malaki na ang ipinagbago niya ngayon. Nag-mature na siya nang husto. Pati career niya naayos na," sabi niya.

Inaari ni Vina na isang magandang pagkakataon para sa isang singer na katulad niya ang makasama sa isang concert ang mga tulad nina Gary Valenciano at Martin Nievera.

"Marami pa ring singers akong gustong makasama pero, at the moment kontento na ako sa pangyayaring kinuha ako para makasama nina Gary V at Martin.

"Si Gary V. napaka-perfectionist. Alam mo ba na nag-spent kami ng limang oras, 8 pm to 1 am, just for one dance only? At siya, bago kami gumawa ng kung ano sa show ay nagdarasal muna kami for guidance.

"Si Martin naman is fun to be with. Walang dull moment kapag kasama siya, palagi siyang nagpapatawa. Madalas tuloy kapag nagbo-voicing kami ay nawawala ako. Maingay siya pero napaka-lambing," pagtatapos niya.
*****
Sinabi ni Ina Raymundo na isang magandang karanasan niya ang makatrabaho si Phillip Salvador sa Kaaway Hanggang Hukay ng RS Productions.

"Marami akong natutunan sa kanya. Inalagaan niya ako lalo na sa mga delikadong eksena," sabi ng napaka-kontrobersyal na aktres ngayon na umaming siya ay buntis sa kanyang Canadian boyfriend. "Napag-usapan na namin ang kasal. Baka this year," ani Ina na hindi alintana na baka ang kanyang pagbubuntis ay makasira sa kanyang career.

"Minsan talaga dumarating sa buhay natin na mayron tayong dapat bigyan ng priority. In my case, dumating na ang panahong yun. Kailangan sigurong ilagay ko muna sa ayos ang lahat. I’m sure maiintindihan ito ng mga tao," paliwanag niya.

Ginagampanan ni Ina ang role ng isang military psychologist na tumulong kay Ipe sa kanyang misyon na mapigilan ang pagpatay sa isang dumadalaw na prime minister. Kasama rin sa pelikula si Edu Manzano.

Ang Kaaway Hanggang Hukay ay titulo ni Fernando Poe Jr., tungkol sa dalawang magkaibigan na pinapaghiwalay ng kanilang magkaibang tungkulin, si Ipe ang pangalagaan ang bansa sa pamamagitan ang pagpigil sa asasinasyon ng isang bisita at si Edu, ang pagpatay naman dito pagdating na pagdating lamang sa airport.

vuukle comment

KAAWAY HANGGANG HUKAY

KANYANG

NIYA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with