^

PSN Showbiz

Angelu, lumalaban na sa akting

-
Tuluyan nang nahinog sa pagganap sa madadramang papel ang young actress na si Angelu de Leon magmula nang gawin niya ang Bulaklak ng Maynila last year kung saan nakopo niya ang best supporting actress award nu’ng Metro Manila Film Festival.

Sinundan pa ‘yon ng isang papel bilang liberated lady sa pelikulang Bukas Na Lang Kita Mamahalin kapareha si Diether Ocampo na higit na nag-angat ng puwesto niya laban sa kanyang kapanabayan.

Sa bagong pelikula ni Angelu na Abandonada, isa na namang mapaghamong papel ang inilaan sa kanya ng Viva Films at pinagsama pa sila ng Diamond Star na si Maricel Soriano, huh!

Pangalawang asawa ni Edu Manzano ang role ni Angelu sa Abandonada. Lingid sa kanyang kaalaman, ang batang anak ni Edu ay anak din pala ni Maricel na pumasok na labandera sa bahay nila upang makuhang muli ang bata.

Punumpuno nga ng dramatic highlights ang Abandonada at si Angelu ay animo’y beteranang dramatic actress na nakipagtunggalian sa eksena por eksena kina Maricel at Edu!

"Supportive nga si Maricel sa akin habang ginagawa ang movie, eh. Nu’ng simula, siyempre, nandoon yung kaba ko pero after na mag-usap kami sa aming mga role, hayun at naging maganda ang rapport namin on and off screen! Ang sarap niyang ka-eksena!" ani Angelu kay Maricel.

Nakatakdang maging unang handog ng Viva Films sa 19th anniversary ng kumpanya ang Abandonada. Bukod kina Maricel, Edu at Angelu, kasama rin sa pelikula si Jay Manalo at ang award-winning director na si Joel Lamangan ang gumawa nito.

vuukle comment

ABANDONADA

ANGELU

BUKAS NA LANG KITA MAMAHALIN

DIAMOND STAR

EDU

MARICEL

VIVA FILMS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with