^

PSN Showbiz

Alma, magri-resign o sisibakin ng Dos?

-
Gaano katotoo ang balitang uunahan ni Alma Moreno sa pamamagitan ng pagbibigay ng resignation letter ang malapit na pagtatanggal sa kanya sa soap ng Dos, ang Sa Dulo Ng Walang Hanggan. Ang dahilan umano ay ang unprofessionalism niya.

Ayon sa balita, ang pinakarason ng aktres ay ang kanyang kalusugan na hindi nakakayanan ang dalawang araw o mahigit pa kung may special taping sa isang linggo. Nagkataon pa na lahat ng mga eksena nito ay sa Tagaytay kinukunan. Ito umano ang dahilan kaya itutuon na lang niya ang kanyang panahon sa pelikula at sa mga show.

Sa kabilang banda, pinabulaanan ito ng aming source na may katsikang insider ng Dos na wala umanong katotohanan ang press release ng naturang aktres. Katunayan umano ay talagang aalisin na ang aktres sa naturang soap dahil sa pagiging unprofessional nito. Ayaw umano nitong mag-report sa taping at nagpapa-schedule lang ito kung gusto nitong magtrabaho na naging sanhi ng mga aberya ng naturang soap.

Noon pa umano ay may nagpapaalala sa Dos na huwag kunin ang aktres sa anumang show nila dahil mayroon itong track record sa pagiging unprofessional bilang artista. Hindi umano nagkamali sa pagpapaalala ang naturang insider dahil palaging sumasambulat ang sumpong nito.

Ayon pa rin sa aming source, hindi pa mapapansin ang pagtanggal sa aktres dahil may advance taping na itong nagawa na tatagal ng tatlong linggo. Mapapansin na inalis na ito sa naturang soap kung lalabas sa teleserye na magbabakasyon siya. In fairness, hindi naman siya papatayin sa soap dahil umaasa pa naman ang mga taga-Sa Dulo Ng Walang Hanggan na makukuha pa ang kanyang serbisyo kung gusto uli nitong mag-taping para sa naturang soap. (Ulat ni Alex Datu)

vuukle comment

ALEX DATU

ALMA MORENO

AYAW

AYON

GAANO

KATUNAYAN

MAPAPANSIN

NAGKATAON

SA DULO NG WALANG HANGGAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with