^

Probinsiya

17 na patay sa Cotabato road mishap, 2 bata natusta

John Unson - Pilipino Star Ngayon
17 na patay sa Cotabato road mishap, 2 bata natusta
Sa pahayag kahapon ni follow-up investigation ng Antipas Police, nadag­dagan ng apat na casualty ang 13 na unang naitalang mga namatay sa sakay ng van na nasangkot sa aksidente.
STAR/File

COTABATO CITY, Philippines — Umabot na sa 17 katao kabilang ang dalawang bata ang naitalang patay habang apat pa ang nasu­gatan sa malagim na banggaan at pagkasunog ng pampasaherong van at dump truck sa Barangay Luhong, Antipas, Cotabato kamakalawa.

Sa pahayag kahapon ni follow-up investigation ng Antipas Police, nadag­dagan ng apat na casualty ang 13 na unang naitalang mga namatay sa sakay ng van na nasangkot sa aksidente.

Sa pahayag nitong Martes ng umaga ni Capt. Godofredo Tupas, hepe ng Antipas Police Station, dalawa na lang sa 17 na mga pasahero ng van na natupok ang hindi pa nakikilala ng mga pulis at mga kawani ng Antipas local government unit na magkatuwang na nagsisikap na gawan ng tamang konklusyon ang insidente. 

Kabilang sa mga nasunog nang buhay sa naturang malagim na aksidente ang van driver na si Mark Anthony Bunda at mga pasahero niyang sina Irish Lopez, Mary Jane Lopez, Genevieve Vicente, Kimberly Armada, May Grace Aaron, Percy Balolong, Ernesto Balolong Sr., Shirley Pojas, Winston Sorsano, Michael Heguinto, Virginia Rufino, Maricel Castillon, at dalawang bata na sina Ryse Vince Suan at Xian Gellantilay.

Ayon kay Tupas, ina­alam pa ng kanilang mga imbestigador at mga kawani ng Antipas Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office kung sino ang isang lalaki at isang babaeng sakay rin ng lumiyab na van na kabilang sa  mga nasawi at hindi pa nakikilala hanggang nitong tanghali ng Martes.

Ayon sa pulisya, wala pang linaw kung sino sa mga driver ng truck at pampasaherong van na nagbanggaan ang may mali sa aksidenteng naganap nitong Lunes sa Barangay Luhong sa Antipas, Cotabato na nagsanhi sa pagkamatay ng 17 katao dahil sa pagkasunog ng naturang mga sasakyan.

Pababa mula sa matarik na lugar ang dump truck na minamaneho ni Edwin Nasiad nang ito at ang van na dala ni Bunda ay nagsalubong, nagkabanggaan hanggang sa parehong bumaliktad at biglang nag-apoy.

Nagtamo ng mga sugat at pasa sa katawan si Nasiad at dalawang kasama na sina Wilmark Panoy at Gregorio Casiño makaraang mabilis na nakatakbo palayo nang mag-apoy rin ang kanilang dalang dump truck. Silang tatlo at isang pasahero ng van na nakaligtas na si Rosario Reyes ay kasaluku­yang ginagamot na sa isang hospital.

vuukle comment

ACCIDENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with