^

Probinsiya

3 tumatawid inararo ng van: 1 dedo, 2 kritikal

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
3 tumatawid inararo ng van: 1 dedo, 2 kritikal
Kinilala ang nasawi na si Jemerine Bombani, 29-anyos, production sub-leader, residente ng Southville 4, Brgy. Pooc, Sta. Rosa, Laguna habang ino­obserbahan sa pagamutan sina Sheryl Cantuba, 45, office staff, ng Brgy. San Francisco Biñan City, Laguna, at Burlett Sevilla, 48, ng Brgy.. Maguyam, Silang, Cavite.
STAR/File

CAVITE, Philippines — Isa ang patay habang dalawa pa ang kritikal makaraang araruhin ng isang aluminum closed van habang tumatawid sa pedestrian lane sa kahabaan ng Governor’s Drive sa Brgy. Mabuhay, bayan ng Carmona, dito sa lalawigan kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang nasawi na si Jemerine Bombani, 29-anyos, production sub-leader, residente ng Southville 4, Brgy. Pooc, Sta. Rosa, Laguna habang ino­obserbahan sa pagamutan sina Sheryl Cantuba, 45, office staff, ng Brgy. San Francisco Biñan City, Laguna, at Burlett Sevilla, 48, ng Brgy.. Maguyam, Silang, Cavite.

Hawak naman ng pulisya ang driver ng van na si alyas “Fernando”, 30-anyos,  isa ring truck driver ng Mapulang Lupa, Valenzuela City.

Batay sa ulat ng pulisya, alas-7:30 ng gabi habang magkakasabay na tumatawid ang tatlong biktima sa pedestrian crossing nang araruhin ng humahagibis na rebuilt aluminum van na may plate number CBJ3001 at minamaneho ni Fernando.

Sa lakas  ng impact ay tumilapon ang mga biktima.

Napag-alaman na may kabilisan ang takbo ng nasabing van kung kaya hindi nakayanan ng preno nito at dire-diretsong nasu­yod ang mga biktima.

Agad naitakbo sa Carmona Medical Hospital ang mga biktima subalit idineklarang dead on arrival si Bombani.

vuukle comment

ACCIDENT

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with