^

Probinsiya

2-anyos nilapa ng 4 na aso, tenga tapyas!

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
2-anyos nilapa ng 4 na aso, tenga tapyas!
A dog walks along a dried-up rice field in Naic in the Philippine Province of Cavite on May 3, 2023.
AFP / Jam Sta Rosa

MANILA, Philippines — Kalunus-lunos ang sinapit ng 2-anyos na batang babae nang matapyasan ng tenga at magtamo ng mga sugat sa mukha at katawan nang paglalapain ng apat na aso sa Calbiga, Samar nitong Sabado.

Kasalukuyang naka-confine sa Eastern Visayas Medical Center ang biktimang si Shiela Mae Cinco ng Brgy. Scales, Calbiga, Samar.

Ayon sa paunang imbestigasyon, sinundan ni Shiela Mae ang ina na nagtungo lamang sa tindahan upang bumili. Gayunman, napunta ang bata sa isang kulungan ng baboy na binabantayan ng apat na aso na hindi nakatali na pag-aari ng isang Ronnie Dacuro sa Brgy. Timbangan.

Kasunod nito, inatake ng apat na aso ang nasabing bata at pinagkakagat ito na nagresulta sa pagkakatapyas ng kanyang kaliwang tenga, at pagkasugat sa mukha, dibdib at maging sa puwet.

Sinaklolohan naman ng mga saksi ang bata na nag-iiyak at mabilis na isinugod sa pagamutan.

Agad namang itinali ng may-ari ng piggery ang mga alagang aso at nangakong magbibigay ng tulong sa pamilya ng bata.

Umaapela naman ng tulong sa publiko ang magulang ni Shiela Mae dahil sa matagalang gamutan nito sa tinamong mga pinsala sa katawan.

Pinag-aaralan na rin ng pulisya ang kasong isasampa laban sa may-ari ng mga asong lumapa sa bata.

vuukle comment

DOG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with